Tuwing pumapasok ako sa
La Salle, di ako dumadaan sa main gate o ang South Gate. Dun ako, kagaya ng karamihan sa CCS sa isang gate dumadaan. Tinawag itong
East Gate ni
Excel. Di ko malaman kung bakit, pero East Gate narin ang tawag ko dito.
Ang East Gate
Ang East Gate ay yung gate na katabing katabi lang ng South Gate, at ang gate bago mag Conservatory.
Nag simula akong dumaan dito nung second year na ako. Di pa ako dumadaan sa East Gate noong frosh pa ako, sa kadahilanan na sasabihin ko mamaya. Di nag tagal ay natuto din ako at dumaan sa shortcut na ito.
East Gate - ang shortcut na gate.
Napakalaking ginhawa ang naidulot nito sa akin, dahil nga ito ay shortcut, napabilis ang pag punta ko sa Gokongwei. Ang hirap pa mag scan ng ID sa South Gate. Dito na rin ako dumadaan pauwi at ganun din ang dahilan.
Ang daan na ito ay hamak na mas mabilis kaysa ang daan sa South Gate.
Pero minsan, pag magkakasama kaming magkakaibigan, pinipili namin dumaan sa long way.
Ang mga dahilan.
Para malaman ang nangyayari sa DLSU
Ang Gox ay nasa labas ng DLSU. Ang mga pangyayari sa La Salle ay madalas ginaganap sa Central Plaza. Pag hindi kami dumaan dito, para bang wala na kaming balita sa La Salle. Hindi na namin alam ang mga nangyayari.
Para makakita ng mga magagandang babae
Masakit man aminin, ang Gox ay kulang na kulang sa mga magagandang babae. At wala kaming magawa kundi tumingin nalang sa ibang college. Kaya ayun, dumadaan kami sa long cut para tumingin ng magagandang babae na nakatambay at naglalakad sa SJ Walk. At ito rin ang dahilan ko noong frosh pa ako.
Para sa Ampitheater
Minsan, kapag ginagabi kami, mas pinipili na namin dumaan sa long way. Bakit? Dahil sa Ampitheater. Ang Ampitheater ay isa sa pinakamasarap na tambayan sa La Salle basta hindi mainit. Kaya ayos dun kapag gabi. Pero hindi kami dumaan dun para lang tumambay sa Ampi. Hindi yun ang sadya namin, kundi ang mga tao na nakatambay dun. Lalo na yung mga lovers dun. Diba ang saya tingnan sa malayo ng dalawang taong nag mamahalan? Ang saya lang.
Ang East Gate way ay isang shortcut na daan para sa mga manggagaling sa may McDo at may klase o papunta sa Gokongwei Building, Sports Complex, at Andrew Hall. Pwede rin itong shortcut para pumunta sa Velasco at Miguel.
Maraming daan sa La Salle, pero hindi naman ito ganun karami tulad ng mga daan sa UP, Ateneo, o UST. Kaya hindi mahirap madiskubre ang pinakamagandang daan para mapabilis sa iyong pupuntahan.
Mas gusto ko ang daan na ito kaysa dumaan sa labas ng La Salle.
Ikot ikot. Ang La Salle ay maganda.