Step by step ang paggawa namin ng interpreter. Pinaggawa muna kami ng CFG o Context Free Grammar para ipaapprove. Ang grammar na ginawa namin ay nasa Filipino. Ang mga halimbawa nito ay:
simula = main
numero = int
lutang = float
sinulid = string
tauhan = char
para = for
Medyo hinaluan namin ng kalokohan ang aming grammar. Tulad nalang ng float, ginawa naming literal ang pag translate nito sa Filipino kaya naging lutang.
Dahil nga ito ay isang project lang tulad ng Pinoy Henyo namin, hindi ito kumpleto sa features. Wala itong switch statements at hindi siya nakakagawa ng isang executable file o isang class file. Tumatakbo lang ang sinulat mong code gamit ang aming interpreter, ang MagLaBa interpreter.
Pero kahit na ganun, naexempt kami sa final exam at nakakuha ng 4.0 dahil sa subject na ito.
Dalawa ang natutunan ko sa subject na ito...
- Mahirap gumawa ng IDE.
- At mahirap gumawa ng programming language.
No comments:
Post a Comment