Check out my new blog

Sunday, November 7, 2010

Magkaribal. Ano nga ba ang nangyari?

Natapos noong Friday ang isa sa mga palabas sa ABS-CBN, ang Magkaribal. At kahit patapos na ito, ay nag iwan pa ng isa sa mga pinakamalaking misteryo sa larangan ng Philippine television. Nagtapos ito ng may mala-Inception na ending. Ano nga ba ang nangyari? Namatay nga ba si Gelai?


Hindi ko ito masyadong nasubaybayan, pero alam ko ang storya. Napanood ko ang simula nito at alam ko kung paano nagkahiwalay ang magkapatid. Si Gelai na ginaganapan ni Bea Alonzo at napunta sa mahirap na pamilya habang si Victoria o si Gretchen Barretto sa totoong buhay ay napunta naman kay Papang.

Mababasa ang buong kwento sa Wikipedia link na ito.

Hindi ko rin masyadong natutukan ang pag tatapos nito, pero napanood ko ang part kung saan pinatawad na nila si Vera at nagiiyakan na, classic Filipino shows. Umakyat si Vera sa stage at naglakad sila papuntang backstage. Bumagsak ang chandelier sa taas nila at di na nalaman kung ano ang nangyari pa.

Bago matapos, pinakita muna ang mga nangyari sa cast. Natapos ito sa dalawang bata na nangangarap tulad sa simula ng palabas. Sinundo sila ni Victoria at pinakita ang isang billboard kung saan nandun ang malaking picture ni Gelai.

Pinakita ang lahat ng cast maliban kay Gelai. Kaya ano nga ba ang nangyari sa kanya? Namatay ba siya?

Para sa akin, ang sagot jan ay hindi. Hindi siya namatay. Simple lang, paano siya magkakaroon ng billboard kung patay na siya? Hindi naman nila siguro gagawing endorser ang patay na.

Pero hindi rin ako sigurado jan. Baka nga. Abangan nalang natin sa book 2, kung meron man.

Basta ngayon, ang sagot sa totoong nangyari kay Gelai ay mananatili paring misteryo.

No comments:

Post a Comment