"A paradox is a true statement or group of statements that leads to a contradiction or a situation which defies intuition."
Isa sa mga nakaka mindfuck na paradox na nabasa at nasabi ko sa mga kaibigan ko ay eto:
"Kapag ba sinabi ni Pinocchio na nag sisinungaling siya, ay hahaba ang ilong niya?"
Alam nating lahat na humahaba ang ilong ni Pinocchio kapag siya ay nagsisinungaling. Pero paano nalang kung sinabi niya na nagsisinungaling siya? Kung nag sisinungaling nga siya, dapat ay hahaba ang ilong niya. Pero kung hahaba ang ilong niya, ibig sabihin totoo nga na nagsisinungaling siya. At dahil nag sasabi siya ng totoo, di dapat hahaba nag ilong niya. AY EWAN. Ang hirap isipin. Ang hirap alamin. Di natin alam ang sagot.
Tapos may isa pa siyang paradox...
"Ano ang mangyayari kapag sinabi ni Pinocchio na hahaba ang ilong niya?"
Teka, ano nga ba? Kapag totoo ang sinasabi niya, hindi siya nag sisinungaling at hindi hahaba ang ilong niya. Pero ang sinabi niya ay hahaba ang ilong niya at kung nag sisinugaling nga siya, hahaba ang ilong niya.
NAKAKALITO ANO? ANG HIRAP ISIPIN. Ano nga ba talaga?
No comments:
Post a Comment