Una kong narinig ang malaking titik O nung ako ay nasa elementarya pa lamang.
"Malaki ang titik O, titik O, titik O."
Kinakanta namin ito sa tono ng "Mary had a Little Lamb" bilang isang ice breaker. Ngunit sa hindi ko inaasahang pag kakataon, ang malaking titik O ay muli kong narinig.
Noong 3rd term ng aking ika-unang taon sa DLSU, sa class na DASALGO ay may topic kaming Big O. Na kapag ay tinagalog ay "Ang malaking titik O".
Ang Big O o ang malaking titik O ay ginagamit sa Computer Science bilang isang representasyon ng performance o kaya naman complexity ng isang algorithm. Ito ay ang worst-case o ang pinakamalala na maabot ng isang algorithm.
Ang malaking titik O pala ay hindi lang isang ice breaker o joke. Ito pala ay may mas komplikadong kahulugan. Actually, sobrang komplikado. Ang mga algorithms ay may Big O. Tulad ng mga sorting algorithms na...
- Bubble Sort - Big O of n squared. O(n^2)
- Selection Sort - Big O of n squared. O(n^2)
- Insertion Sort - Big O of n squared. O(n^2)
- Merge Sort - Big O of n log n. O(n log n)
Ang malaking titik O ay muli ko nanamang nakakasalamuha ngayon sa CSC755M o Design Structures and Algorithms (not sure kung tama ang pangalan) na subject. At muli nanaman niya kaming pinahihirapan.
Madaling kantahin ang malaking titik O.
Pero sa computer science, pahirap ito.