Crush, ito ang isa sa mga salita na nalaman ko sa simula palang ng aking pag-aaral, na ang ibig sabihin ay pag hanga. My frist ever known crush is noong Kinder pa ako. And I think I still know her name, but not her looks. Through the years, nalaman ko na normal lang pala ang may crush at hindi dapat ito ikahiya. At kapag tinanong ka ng mga kaibigan mo kung sino ang iyong crush at sinabi mong wala ay hindi sila maniniwala. Sasabihan ka pang sira!
Bakit mo nga ba sasabihing wala? Eh meron naman talaga diba? Hindi naman siguro sa kinakahiya mo ang crush mo diba? Kaya nga crush mo, kasi okay siya sayo. Hmmm, siguro dahil natatakot kang malaman niya. At hindi mo alam ang gagawin niya pag nalaman iyon. Baka layuan ka kasi eh noh? Tama tama.
Pero habang tumatanda ako, dumarami ang nalalaman kong definition ng crush. Ang crush pala ay iba sa tingin ng ibang tao. Hindi pala ito tanging pag hanga lang na tulad ng definition ko. Ayaw kong mag generalized, pero karamihan ng mga kilala kong babae ay hindi lang pag hanga ang definition ng crush.
Para sa akin
Para malaman natin ang pagkakaiba, sasabihin ko muna ang definition ko ng crush. At sa tingin ko ay ito rin ang definition ng aking mga lalakeng kaibigan. Ang crush ayon sa kanina ko pang definition ay pag hanga lang. Meaning, kung may nakita akong babaeng maganda, crush ko na siya. Kahit di ko pa siya nakikilala basta may gusto akong katangian niya, crush ko na siya. Dahil nga hinahangaan ko lang ang katangian niya na yun. Simpleng simple lang diba. Para bang eye candy lang.
Para sa babae
Ayon sa mga kakilala kong babae, ang crush sa kanila ay yung tipong type mo. Para bang ang mga qualities ng type mong lalake ay nasa kanya na. At isa pang malupit na nalaman ko sa kanila ay kapag may girlfriend na ang crush nila... Ay hindi na nila crush! Bakit? Respeto daw yun. Ooooh.
Para sa akin kasi, ang definition na yun ay like na. Or gusto mo na. Girlfriend or boyfriend quality na sa madaling sabi. At hindi na tanging pag hanga lang.
Sa ngayon, base sa aking definition ko, marami akong crush, as in marami. Pero base sa definition ng isang babae, ang crush ko ay wala pa atang lima. Well, kahit sabi nila na isa lang daw dapat ang crush, di talaga eh. Di ko mapigilang magkaroon ng mahigit sa isa.
Sa huli, baka ang mga babaeng kilala niyo ay iba rin ang definition ng crush compared sa inyo. Kaya minsan, ingat ingat lang sa pag sasalita o sa pag gamit ng term. Baka kasi kung ano pa ang masamang mangyari.
Ngayon, ang crush ay isa ng ambigous na salita.
lexical disambiguation is such a pain in the... neck :)) leading to a decrease in accuracy and in real life, misunderstandings. hassle! :))
ReplyDelete