Alam niyo ang naisip ko?
"Paano kaya niya napasagot ang isang high-level na babae kahit siya ay isang mid-level na lalake lang tulad ko?"
Sinagot ko rin naman ang tanong ko. Sa katunayan, dalawa pa nga ang sagot kong naisip eh.
Time + Friendship
Unang sagot kong naisip ay time + friendship. Bakit ito naisip ko? Dahil ito ang talagang inaapply ko. Sa katunayan ay inaapply ko ito ngayon. Maganda kasi ang foundation kapag dito nag simula. Pero may downside ito. Maganda nga ang foundation mo. Puro foundation lang naman. Maaaring mapunta ka sa maling direksyon. Sa halip na mapunta ka sa direksyon ng pagmamahalan ay mapunta kayo sa direksyon ng pagkakaibigan. At yan... Ang kinakatakot ko ngayon. Baka dahil sa time + friends method ay walang marating ang love life ko.
Lakas ng loob
Pangalawang sagot ko na naisip ay ang lakas ng loob. ETO ANG WALA AKO! At eto daw ang kailangan ko. Sabi nila, may foundation na daw akong nakatayo. Kaya na. Pero hindi ko pa tinatayuan ng bahay. Siguro ang nakita kong lalake ay may sapat na lakas ng loob para umamin sa babae tungkol sa nararamdaman niya. At maganada lang ang kinalabasan ng kanyang pag amin. Kasi, kaya wala akong lakas ng loob ay natatakot ako sa pwedeng mangyari. Na baka ang gusto mo ay mawala nalang bigla sayo. Hindi maganda yun diba.
Sa buhay, ang tao ay laging may choice, laging may pagpipilian. Hindi pwedeng sabihin na wala ka ng magagawa, dahil sa una palang, ay marami ka ng pwedeng gawin.
At pag sa bandang huli ay wala kang nakuha o napala, hindi mo rin pwedeng sisihin ang iba sa naging resulta.
No comments:
Post a Comment