Check out my new blog

Saturday, July 3, 2010

Japanese Ginger for the pers taym

Ang araw na ito ay puno ng pers taym. Pers taym ko matulog sa isang condo. Pers taym ko magturo sa mga frosh. Pers taym kong kumain sa Teriyaki Boy. Pers taym kong kumain ng ramen. At pers taym kong makakain ng Japanese Ginger.

Unang akala ko ito ay isang raw meat. Tapos tinanong ko kay Ian, at ang sabi niya ay raw fish daw 'to. Kinonfirm naman ni Excel. Oo, isda yan.

Syempre, maniniwala ako. Pero paulit ulit kong tinikman at sa aking panlasa ay hindi talaga siya isda. May pag kamalutong pa. Kaya naman pinatikim ko sa kanila. :| HINDI NGA DAW ISDA. Ito daw ay isang Japanese Ginger. Hindi nila nagustuhan ang lasa. Niluwa pa nga ni Ian ang sinubo niya eh.

Grabe, ang kinain ko ay hindi pala ang pagkain na inaakala ko.

OH WELL. Ganyan talaga, there is always room for first time.

1 comment:

  1. haha nakakatawa ichura ni ian kanina e :))

    ReplyDelete