Check out my new blog

Saturday, March 20, 2010

Pwede bang manligaw?

Pwede bang manligaw?
Pwede ba kitang ligawan?

Tanong na sa tingin ko ay matagal tagal ko nang hindi nagagamit, isang tanong na minsan ko pa lang nagamit, at isang tanong na sa tingin ko ay matagal tagal ko na ulit magagamit. Hindi ko nga rin sigurado kung ito'y magagamit ko ulit.

Baka naman naisip niyo na wala na akong balak mag asawa kaya hindi ko na magagamit ulit ang tanong na iyon. Hindi. Hindi ko lang alam kung dapat ko pa bang itanong ito kapag gusto ko ang isang babae.

Mga babae, ano sa tingin niyo? Dapat bang itanong ng isang lalake kung pwede ba silang manligaw o hindi?

Pero paano pag nagtanong ang lalake at ayaw niyo naman pala? Alam niyo ba ang mangyayari? Nasa lalake din naman yun diba? Kahit ayaw nung babae na magpaligaw, merong mga lalake na nandiyan parin, nangungulit. Meron pa nga nagsasabi...

"Hihintayin nalang kita."

Ang epic diba? One boy, waiting for a girl to be ready.
Well, sa drama lang yan.

Kahit may kilala ako na isang lalake na naghintay talaga ng 14 years para maging ready ang babae, tingin ko parin ay walang kwenta ang paghihintay ng isang lalake sa isang babae. By experience.

Ulit, mga babae, dapat bang tanungin ng mga lalake kung pwede silang manligaw?

Isipin niyo ulit, pwede din nating irephrase ang tanong. Pwede natin gawing... "Pwede ba kitang mahalin?"

Kasi sa tingin ko ganun yun eh, kapag tinanong ka ng isang lalake, dapat mahal ka niya. At tapos, hindi ka pumayag, para na ring sinabi mo na hindi ka niya pwedeng mahalin. Isipin niyo, tama naman ako diba?

Nagtanong tanong din ako sa mga babae kong kaibigan, at ang sabi nila... Dapat daw tanungin muna sila kung pwedeng manligaw. Dahil daw paano sasagutin ng isang babae ang isang lalake kung hindi nila alam na nanliligaw na pala. Takot sila mag assume.

Well, may point sila. Pero minsan, kaya ayaw magtanong ng lalake kung pwede siya manligaw dahil may takot din siya. Takot na hindi pumayag ang babae at takot na mag iba ang turingan nila sa isa't isa.

Parehas na may takot. Pero kapag ang takot ng kahit isa ay mawala, alam ko, may love story nanaman na maisusulat.

Kaya ako, takot din ako. So ano plano ko? Ganun parin, hindi ako magtatanong kung pwede ako manligaw. Hahayaan ko nalang ang babae na malaman ito.

Kung medyo malas malas ako at hindi ito mahalata, saka ko palang sasabihin.

Pero hindi ako magtatanong.
Magsasabi ako...

"Ligawan kita ah!"

Wala na siyang magagawa... Hindi ito patanong, kaya hindi siya makakasagot. Ito ay pagbibigay alam lang.

Sana appropriate...
Sana may mag tanong nalang...

"Pwede mo ba akong ligawan?"

15 comments:

  1. No, don't say "Ligawan kita ah!" Parang patanong din kaya dating nian :)) You should say: "Ay, wait, nililigawan nga pala kita."
    O di ba? Di na yan pwedeng iinterpret as a question. =)) :P

    ReplyDelete
  2. Pangit kasi yung "nililigawan nga pala kita." Para kasing yung good treatment mo sa kanya is panliligaw lang.

    Kung "ligawan kita ah." Parang ito palang yung start ng panliligaw, at the treatment before is just being you liking her. At the treatment after will be the ligaw stage. Para may difference diba. :D

    ReplyDelete
  3. Alam mo.. parang nonexistent din ung ligaw kasi ung parang bonding moments nyo nung kaibigan pa lang kau ay parang ligaw na rin.. lalo na kung talagang from the start may intention ka na manligaw. Tapos parang pang formality na lang ung tatanungin mo na manliligaw ka.. so para wala nang problema... tanungin mo na lang pag sure ka na na papayag.. wahahahaha... Joke... Goodluck kay *****! :P

    ReplyDelete
  4. @Jolo & Shiela: para sakin dapat talaga "liligawan kita ah". Tama parang nagtatanong nga. Kasi dapat talaga nagtatanong. Para kung ayaw nya, eh masabi agad kesa sayang ang effort. Haha! Pero kahit ayaw nya pwede mo naman ituloy eh. ;p

    @gwenie: tama ka parang ganun na din yun pero dapat may ligawan session din para asteg. :p para pag tinanong kagu katagal nanligaw, may maiisasagot ka.

    @jolo ulit: "Pwede mo ba akong ligawan?" - Sana nga may nagtatanong nyan. Haha! Sakin meron medyo malapit dyan: "Hindi mo ba ko liligawan?" saka "kelan mo ba ko liligawan?" Haha! good times..

    ReplyDelete
  5. Ehh kasi...... you said na sasabihin mo lang yung "Ligawan kita ah!" kapag hindi pa din napansin nung girl na nanliligaw ka na sa kania. Well, yun yung pagkakaintindi ko. Mali ata. Sorry =))

    ReplyDelete
  6. @gwenie, yung bonding moments, hindi matuturing na ligaw na agad yun. Kasi may mga lalake na kahit may balak na ay paclose muna sa babae. Para sa akin di pa ligaw yun. Ede kung ligaw na yun, lahat na ng babae na naging crush ko ay naligawan ko. =))
    At, wala akong nililigawan ngayon! Pagoodluck goodluck ka pa jan.

    @excel, oo nga, goodtimes. may ganyan din ako dati. pero ayaw ko na ng ganyan ngayon. okay sana, instant gf. pero instant break up din. :))

    @shiela. yep, ganun nga, sasabihin ko kapag di pa niya alam. Or, lagyan natin ng or. Or handa na ako at alam ko na ready na rin siya. Para din may formality. Na in this date, niligawan kita.

    Kasi kapag "nililigawan nga pala kita." Whaaat? Kailan ka nagsimula manligaw? :))

    At gusto niyo ba yun? Nililigawan nalang kayo ng hindi niyo alam? Hmmmm. :D

    ReplyDelete
  7. Kung gusto ko naman yung guy... Why not? Hahahahaha! Joke lang :P Mas okay xmpre yung nagsasabi muna. Kayo kaya yung ayaw magpaalam. :))

    ReplyDelete
  8. @shiela. kasi naman alam mo yung takot. :))

    Di kasi namin alam ang pwedeng mangyari kung magsabi kami eh diba diba.

    Pero sana lang, nagkwekwento yung babae...

    "Alam mo, pag may kaibigan ako na gusto akong ligawan... Okay lang sa akin."

    Pero wala namang babaeng nagkwekwento ng ganun sa lalakeng kaibigan diba.

    ReplyDelete
  9. Kung ayaw magkwento ehh di tanungin mo. Sasagot naman kami eh. Tanong mo lang kung okay lang ba sa kanyang nililigawan cia ng friends niya. Di naman cguro nia agad magegets na ikaw gusto manligaw. Gawin mo magsama ka ng madaming girls tapos lahat tanungin mo sabay-sabay! =))

    ReplyDelete
  10. diba agad nagegets yun? kasi ang tingin ko kapag ganun, gets agad eh. lalo na kapag serious yung usapan. tapos kapag tinanong sa marmaing girls. at alam ng girls na may gusto ka sa isa sa kanila, syempre alam na nila balak mo at aasarin ka nila.

    ReplyDelete
  11. ~>"tingin ko parin ay walang kwenta ang paghihintay ng isang lalake sa isang babae. 'By experience'"==IS SHE---..hahaha!guess lang naman...

    ~>cguro kung friends kau nung girl then cnv mong "liligawan kita a",hnd mo ba naisip na if ever na PUMAYAG sya -dahil parang patanong un-e dahil un sa friends kau,na ayaw nyang lumayo sa kanya ung friend nya at ayaw rin nyang masayang ung friendship nyong dalawa??--may point naman ako db?

    ~>and if ever niREJECT ka nya,--e ung reason pala nya e gusto nyang magstay ka bilang friend nya dahil alam nyang ang bf madali lang mahanap e ang isang friend?pahirapan sa paghanap nyan!--
    dapat ka bang maging sad dahl nireject k or happy kasi mas gusto nyang magstay ka forever sa side nya bilang friend nga lang nya???...

    ReplyDelete
  12. wait, di ko kilala yung tinutukoy mo na SHE... kasi di na naman nagpakilala. :D

    then, para sa akin, pag sinabi ng babae na "friends lang." okay lang sa akin, di mag bago treatment ko sa kanya. kasi, special parin siya sa tingin ko diba. feeling ko, pag nag reject ang babae at siya na mismo na nagsabi na wag sana magbago ang treatment namin sa isa't isa, walang magbabago.

    at... parehas akong na malulungkot at matutuwa ako. kasi, gusto ko siya maging girlfriend. pero sabi niya friends lang, kahit papano, nakakalungkot yun. Tapos kung gusto niya ako magstay sa side niya, diba ang sarap sa feeling nun? kahit till friends lang. Alam mo naman na there is someone that needs you.

    pakilala ka kasi. :D

    ReplyDelete
  13. ~->nice reasoning huh?:)pero hnd ba kapag hiniling nung girl na sana hnd mawala ung friendship/walang magbago,ung pagiging friend mo ba e isa nang friend hindi ung tulad ng dati na may feelings ka beyond being isang friend?do you get what i mean?

    ~->baka kasi ung pagiging friend mo ngaun pagkatapos ka nyang ireject e ung pagiging friend mo nung hnd ka umaamin...

    ~->baka isipin nung girl na umaasa ka na sooner e pwede n...


    :P

    ReplyDelete
  14. ako, sa tingin ko... kapag sinabi niya na wag magbago sana, hindi talaga mag babago. kasi, during that time na sinabi niya yun, may gusto pa rin ako sa kanya... and sa katagalan ng ganung treatment ko sa kanya, kahit makamove on na ako, may na build ng closeness sa amin at sa tingin ko, hindi na magbabago yun.

    siguro, sa simula aasa parin ako. pero gaya nga ng sinabi ko sa kanya... makakamove on din ako pero yung closeness, dahil nanjan na... di na magbabago yun.

    daya mo, di pa rin kita kilala.

    ReplyDelete
  15. ang panliligaw, hindi sinasabi.. ginagawa.

    ReplyDelete