Pero sa tagal ko ng nakikipag usap sa chat, napansin ko ang ilan sa mga ginagamit ko para malaman ng aking kausap na natatawa ako sa kanyang sinasabi. Ang mga ito ay:
- :)) - nakangiti / napangiti.
- :)))))) - nakangiti na labas na ang ngipin.
- =)) - may nakakatawang nasabi.
- =)))))) - tumatawa na talaga.
- Haha. - isang expression lamang. Wala naman talagang nakakatawa. Ginagamit din ito bilang isang filler para lang may masabi. Minsan naman ay ginagawa itong parang tuldok na meron lagi sa tuwing magtatapos ang isang pangungusap.
- Hahahaha! - may nasabing bagay na nakakatawa.
- HAHAHAHAHAHA! - talagang tumatawa na siya. Kaya naka all caps yan ay para mas malaman ng makakabasa na natatawa siya talaga.
- LOL - isang expression. Minsan, ang taong gumagamit nito ay nanunuya / sarcastic.
- LOLOLOLOLOL - pwedeng nangangahulugang nakakatawa. Pero katulad din ito ng LOL! mas sarcastic nga lang.
Sa tingin ko, ang mga nasulat ko sa taas ay hindi lang applicable sa akin, kundi applicable din ito sa marami sa atin.
Kung may alam pa kayo o nais idagdag, mag comment lang!
Wala kang alam, gago.
ReplyDeleteang mga naisulat ko lang naman ay sa aking pananaw lamang. Naipahayag ko ang aking naiisip. At sa aking palagay ay hindi iyon isang senyales ng aking kawalang kaalaman.
ReplyDeletewell, this one wasted my time. it's not even well-grounded(no real basis for observations, if any have even been made), nor is it the slightest bit funny.
ReplyDeletelooks like you were just aiming to make one of those epic lists that spread throughout the blogosphere.
it just isn't happening. :|
lol.
kung pano mo gamitin ang LOL, ganun din ako. pati na rin sa lmao, lmfao rofl at loooool
ReplyDeletekumbaga, parang isang paraan to ng... pambabara na "ah ok LOL (pfft, whateber)
and :)) naman saken ay...
ka-plastican. Kahit walang ginagawa saken ung kausap ko, pag ganyan na ang icon nia gusto ko na mag sign out. kahit pa bf ko yung kausap ko.
ang madalas kong gamitin ay =)) at =))=))=))=))
kase sa ym mas naeexpress mo ito ng mabuti. talgang tuwang tuwa ka sa galak.
mahilig din ako sa nyahahaha at bwahahaha.
pauso ng mga friends ko ung pwahahaha, ewan ko kung nagagamit talaga to pag tumatawa ka sa totoong buhay.
ayun lang hehe.
napadaan,
AYEN
http://www.im-ayen.tumblr.com
http://www.ayenthology.tabulas.com
Ayos, parehas tayo ng mundong ginagalawan. :D
ReplyDelete