Check out my new blog

Friday, March 19, 2010

Nation Driver: Our entry for Imagine Cup 2010.

Nag simula ito last year. Tinatanong ako nila Kenneth at Excel kung may magandang contest ba na pwede naming salihan. Tamang tama, kakasimula lang ng Imagine Cup 2010 noon. Then after we agreed what contest in the Imagine Cup we will participate, we registered.

Sumali kami sa Game Design kung saan ay kailangan namin makagawa ng isang laro ayon sa kanilang tema.

"Imagine a world where technology helps solve the toughest problems."

Nahirapan kami mag isip ng isang maganda konsepto, kasi gagawa nga kami ng isang laro at kailangan pa ito na masolusyonan ang mga problema ng mundo. Para kasing mahirap dahil paano masosolusyonan ng isang laro ang mga problema ng mundo?

Pero ang kahirapan na yun ang nagbigay sa amin ng challenge. At hindi nag tagal, ay nakaisip din kami ng magandang konsepto para sa larong gagawin namin.

Sa aming laro, ikaw ay presidente ng isang bansa. At tulad ng sino mang presidente, kailangan mo itong paunlarin. Our game has 4 departments, namely: Department of Health, Department of Education, Department of Environment and Department of Food and Resources. May mga katumbas na minigame ang bawat isang department. Meron din itong mga projects na kailangan tapusin sa pamamagitan ng pagachieve ng required score sa pag lalaro ng minigames.

Tulad ng isang bansa, ang aming laro ay may tax at import/export din. Dito sa dalawang ito nanggagaling ang iyong pera. Pero hindi lang puro pera ang binibigay nito, pwede rin itong mag dulot ng problema. Sabi nga nila, "Ang kahit ano mang sobra, ay masama." Kaya dapat, ito ay pinagplaplanuhan ng mabuti.

To win in our game, you must combine your intelligence with your skills and formulate a good strategy. Because you do not know, what is right now maybe wrong later.

Here is a video of me playing our game.


Have fun using your mind to play...

Nation Driver.

Note: Demo version palang ang nasa video at ang aming nagawa. Because only the demo game is required for the Imagine Cup 2010 Round 1.

No comments:

Post a Comment