Check out my new blog

Wednesday, March 3, 2010

Salitang Kalye. Alam mo ba?

Warning: Ang blog ito ay naglalaman ng mga hindi kanais nais na salita. Kung talagang interesado ka, ituloy mo lang. Kung hindi, basahin mo nalang ang iba kong blogs dito.

Una muna, ano nga ba ang salitang kalye. Pwede rin itong tawaging "salitang kanto"; para sa akin, ito ay mga salita na nabuo na lang basta sa kalye na hindi malaman kung paano o sa mga usapan ng mga tambay sa kanto.

Sa katagalan, ang mga salita na ginagamit lamang ng mga tambay ay nagagamit na rin ng ibang tao at nagiging parte na ng kanilang pang araw araw na salita.

Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang kalye ay:
  • Asa - salita galing sa umasa, na kaparehas din ang kahulugan.
Ito ay may iba't ibang baryasyon tulad ng asaness at asaboi.
  • Astig - galing ito sa salitang tigas, o tigasin. Pero parang hindi na ganun ang kahulugan ng salitang ito sa kasalukuyang panahon. Ngayon, ang astig ay ginagamit kapag ang isang bagay na natunghayan ay magaling, maporma, kakaiba o kamangha magha.
  • Bano - salita para sa tao na hindi magaling sa larangan na kanilang pinag uusapan. Sa aking pagkakaalam, halos parehas lang sila ng salitang "noob".
  • Buraot - kuripot
  • Dekwat / Dekwatin - nakawin, o kaya naman kuhanin nalang ng walang paalam.
  • Dorobo - magnanakaw (edit: Japanese din ito na ganun ang kahulugan)
  • Epal - galing sa salitang mapapel na binaliktad baliktad. Dahil sa kalumaan, ang salitang ito ay nagagamit narin sa pangkaraniwang pag-uusap sa pagitan ng mga tao.
  • Footspa / Pootspa - hindi ko alam kung narinig niyo na ito bilang salitang kalye. Pero madalas namin 'tong ginagamit kapag naglalaro kami ng DotA nung highschool. Footspa, ang salitang ginagamit namin para pamalit sa "puta".
  • Jabar - pwede itong pantawag sa isang taong pawisin na parang pasmado ang buong katawan sa dami ng pawis. Dahil ito ay salita na ibig sabihin ay pawis na bumabakat sa damit.
  • Kupal - pwede itong pantawag sa taong ayaw mo o kinaiinisan mo, pwede rin itong gamiting pang asar. Habang nag tatagal, ang salitang kupal ay nagagamit na rin bilang isang expresyon. Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang tunay na kahulugan ng salitang ito ay dumi na makikita sa loob ng t*** ng lalake na hindi pa natutuli.
  • Mandurugas / Maduga - mandaraya o madaya.
  • Pota - ewan ko kung bakit nagkaganun at napalitan ng 'o' ang 'u', pero ito ay parehas din sa salitang "puta".
  • Syota - short time girlfriend. Take note, pang short time lang.
  • Timang - hindi ako sigurado sa kahulugan nito. Pero sa aking pagkakaalam, ito ay bobo o kaya naman ay baliw.
  • Timawa - sugapa, sakim o buwaya.
  • Ungas - sira, hibang, parehas din ata ito ng timang.
EDIT:
  • Imba - ginagamit ito para sa isang bagay / tao na magaling sa isang larangan. Ito ay pinaikling salita ng "imbalance". Hindi lang sa Pilipinas ang salitang imba dahil nakikita ito sa mga online game forums. At sa tingin ko, dun din sa mga forums na iyon nagsimula ang salitang ito.
Ilan lang ito sa mga salita na aking napakinggan, nalaman o nagamit sa aking buhay. Baka kayo ay may alam pa?

Magmungkahi, mag sabi ng inyong nalalaman, hinanakit o naiisip sa pamamagitan ng pagcomment sa blog na ito.

17 comments:

  1. ung dorobo japanese un ng magnanakaw.. la lang haha

    ReplyDelete
  2. bano - comes from the english word "bane" which is the opposite of "boon" which is "noob" when spelled backwards. :)

    ReplyDelete
  3. **timang is more of tanga. You normally say this to someone who does a silly thing deliberately or not.

    **and ungas is not like timang in a sense that you're saying "sira ulo" or "gago" and that's not like "tanga"

    ReplyDelete
  4. ano naman ibig sabihin ng "imba"? :)

    ReplyDelete
  5. inEdit ko ang aking blogpost para idagdag ang tingin kong kahulugan ng imba.

    ReplyDelete
  6. anong meaning nag jamming sa slitang kalye ?? :)

    ReplyDelete
  7. ang jamming ay parang lokohan at gaguhan na puro kasiyahan. kahit may asaran ay walang pikunan.

    ReplyDelete
  8. ang Jamming kadalasan ay para sa banda...pro minsan nangangahulugan din ito ng yosi time.:)

    ReplyDelete
  9. uede mag tanong ?magbigay poh kyu ng panlapi na idadagdag sa salitang simba at may kahulugan???

    pls.. just post on my facebook

    my email is marichu_maridel@yahoo.com

    ReplyDelete
  10. meron pa po bang ibang halimbawa assignment po kasi namin yan eh

    ReplyDelete
  11. Your blog is a good reference for me!!!!! Cause i'm doing a filipino poem... Thank you very much !!! Love your blog !! <3

    ReplyDelete
  12. eh ung 'BAYO ? mdalas kcng idikit un s mga surnames ng mga clsmyts qng ungas ee.. kunwre, SANTOS BAYO ! REYES BAYO ! en-so-on-so-port, nung tnanong ko kung anu meaning non sbi nila bastos dw.. ewan ko ba kung sang pilosopiya nhanap un ng kaklase ko, buang ata un ADiK !!!!! XD

    ReplyDelete