Pero bakit babae ang gusto ko maging bestfriend?
Isipin niyo ang isang sitwasyon na kayo ay naiiyak iyak na sa iyong mga problema. At ang taong laging nandiyan ay ang iyong bestfriend, na isang lalake. Siya ba ang iyong pupuntahan para iyakan? Para yakapin? Hindi ba parang ang badiiiiiiiiiing nun? Hindi magandang tingnan, hindi magandang pakinggan.
Kaya lang, nalaman ko, it is not easy to have a bestfriend of opposite sex. Marami palang pagsubok ang madadaanan nito.
Oo, madali ngang sabihin na, "Oy! Bestfriend na kita ah." Pero is it that easy to treat each other that way? Sabi nga sa akin ng isang kaibigan,
"Para masabi mong bestfriend mo ang isang tao, nangangailangan ito ng panahon. Hindi naman pwedeng mag bestfriend na kayo agad."
Yan, sige, mag bestfriend na kayo. Magkakilala na kayo ng may katagalan. Nasasabihan mo na siya ng mga gusto mong sabihin. Alam na niya ang iyong mga sikreto. Tanggap na niya ang iyong mga pagkakamali. May malasakit na siya sayo. At hindi ka na niya iiwanan sa oras ng kagipitan. Oo, mag bestfriend na nga kayo.
Pero wait... Parang may mali. Mag bestfriend nga lang ba? O mag boyfriend na?
Kasi, open ka sa kanya, kilala ka niya, tanggap ka niya, he cares for you at he is always there for you. Kulang nalang, sabihin niya... "I love you." Baka nga nasasabi na niya sayo yun at hindi mo lang pinapansin.
Dahil sa sobrang closeness niyo sa isa't isa. Diba, hindi maiiwasan ang magkagusto rin kayo sa isa't isa. Okay sana kung talagang may gusto ang isa't isa. Eh paano kung one way lang? At ang isa ay bestfriend lang talaga ang turing sayo. Diba ang sakit nun?
Hindi mo masabi ang tunay mong nararamdaman dahil natatakot ka na baka mag iba ang turingan niyo sa isa't isa. Ang weirdo diba, ang taong nasasabihan mo ng lahat ng iyong nararamdaman sa ibang tao, ang siyang hindi mo masabihan ng nararamdaman mo sa kanya.
Pero meron din namang matapang, na kayang sabihin ang tunay na nararamdaman. Kaya lang, kapag ikaw ay matapang, pwede kang icategorize sa malas, maswerte o mas maswerte.
- Malas - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at ang naging epekto ay nailang siya at nagbango pa ang turing niya sayo.
- Maswerte - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at walang nagbago. Mag bestfriend pa rin kayo.
- Mas maswerte - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at kahit one way lang, ay binigyan ka niya ng chance para mapatunayan ang iyong sarili at gawing two way na.
Diba tama ako, ang hirap magkaroon ng bestfriend na iba ang kasarian, maraming pwedeng mangyari. Hindi natin na alam, baka ang bestfriend mo pala ang iyong magiging asawa.
May naiisip ka ba? May gusto ka bang sabihin? Mag iwan ng comment!
No comments:
Post a Comment