Nag simula ang araw ko ng kami ay pumunta sa ST Symposium. Dito ay pinapakita ang resulta o ang current status ng kanilang mga thesis. Sayang nga lang at isang track lang ng thesis ang aming nasaksihan, ang mga thesis na tungkol lamang sa Natural Language Processing (NLP).
Pagkatapos ay pumunta kami sa McDo para kumain. At nang matapos ay binisita ng sandali ang soccer field para tingnan ang fair. Isang nakakapanibagong tanawin ang bumungad sa amin. Ang aming school, ang De La Sallu University ay may arcades! May mga lumang arcades sa Central Plaza. Na hindi naman ganung nakakatuwa dahil luma na nga, 20 pesos per play pa! :| Ka-BV.
Nakakita din kami ng trampouline na hindi ko alam ang tawag, at nang kami ay naglakad lakad pa, naka agaw ng aming pansin ang mga inflatable playground (hindi ko alam kung ganun ang tawag dun) at sa maniwala kayo o hindi, may Ferris Wheel sa La Salle.
Nakatirik pa ang araw, mainit, kaya nag desisyon muna kami na pumuntang Gox para magpahinga at magpalipas ng oras.
Pabalik na sana kami ng tinuro ni Ian, "Uy! Wanted glasses daw." Lintek na Ian, nakita ako ng jail booth officer. At alam na ang nangyari. Dinala ako sa kanilang booth at kinulong. 20 minutes daw o mag bail nalang. Nag isip ako ng medyo matagal para masulit ng konti ang jail booth, at nag bail din ako. 30 pesos ang bayad ko para immune na ako at di na mahuli ulit. Kasi 10 pesos ang normal bail pero pwede ka pa mahuli. Pagkabail ay tumuloy na kami ng Gox.
Bumalik kami makalipas ng ilang oras. Sa mga oras na iyon, ay kaming dalawa lang ni Excel ang magkasama. Nag ikot ikot kami at nakita ang Pinoy Henyo booth. What the F! 30 pesos per play and you may win 300, times 10 your money. Isang magandang deal iyon, kaya sinabi ko kay Excel ay subukan namin mamaya maya pag medyo pagabi na.
Lumabas muna kami para mag CR. At pumunta ulit kami dun sa arcades sa Central Plaza. Doon ay nag text si Ian at hinahanap kami. Hinintay namin siya doon habang pinapanood sila Kuya Art maglaro ng Dance Dance Revolution. Hindi man halata sa kanya, pero ADIK! Ang galing niya sa DDR, 300 bpm kayang kaya niya! Sabay lang ng pag tapos ng pag laro nila Kuya Art ang pagdating ni Ian.
Papasok na ulit kami sa Soccer Field ng nakita namin ang trampouline. Gusto sana namin subukan, pero ang haba ng pila. Sayang. :(
Inaya namin si Ian, bumalik kami sa Pinoy Henyo booth at sinubukan na namin. Unang sumabak sa Pinoy Henyo sila Ian at Excel, ang salita? "F4". Sumunod naman kami ni Ian. Ang salita, "maliwanag". Ang hirap. :| Kami naman ni Excel, "Emo". At ng matapos ay napatawa namin ang mga nasa jail booth.
Excel: Sabi mo negative.
Jolo: Oo nga negative.
Excel: Emo? Negative? RACIST!
Ian: Ulul. Hindi race ang emo!
Bale nakagastos kami ng 90 pesos sa larong ito, tig-30 kami, at hindi kami nanalo. :(
Katabi lang ng Pinoy Henyo booth ang Marriage Booth at nakita namin na nahuli si Kye at Tom para magpakasal. Yey, nadamay pa tuloy kami at naging witnesses!
May banda na natutugtog sa stage kaya pumunta na kami. Di ko matandaan ang band name nila pero kumanta sila ng tatlong kanta na hindi ko alam. Matapos ay kumain kami ng merienda.
Bumili muna kami ng iced tea at namili ng pagkain. Nakita namin ang Tender Juicy stall at ang kanilang hotdog in a bun ay nagkakahalagang 45 pesos. Mahal daw kaya pumunta kami sa isang stall at nakakita TJ hotdog din in a bun na 40 pesos lang. Ede bumili na kami, nagbayad na. Kaso sabi ng nakakalokang tindera, iisa nalang pala ang TJ hotdog at nag offer siya ng Beer Sausage in a bun na may price na 50 pesos. At dahil tatlo kami at iisa lang ang TJ hotdog, ginamit namin ang concept ng maiba taya para malaman ang maswerte makakakuha ng TJ hotdog. Buti nalang ay maswerte ako nung araw na iyon at ako ang nanalo. Silang dalawa ang nag dagdag ng 10 pesos para sa beer sausage.
Nakabili na kami at kakain nalang ng naisip ni Ian...
"Sana pala dun nalang tayo sa Tender Juicy stall. Mas nakamura pa tayo! Good times."
Sayang! Beh, ako nakatipid!
Inubos namin ang aming mga merienda sa isang gilid ng soccer field. Habang kumakain kami ay tumutugtog na ang bandang Paramita. Nung kami ay lumapit, saka palang kami nagising sa katotohanan na ang ganda pala ng vocalist / drummer nila. Sayang at patapos na sila. :(
Sumunod namang tumugtog ang Imago! At alumni ng DLSU ang kanilang vocalist. Woooot! Ang ganda din ni Aia.
Kalagitnaan ng kasiyahan ay may tumawag kay Ian, ate niya, nag papasundo na. Tinapos niya muna ang Imago at siya ay aalis na. Papunta kami sa parking ng nakita namin ang Haunted Hall sa Mutien Marie. Sayang! Mahaba ang pila at di namin na experience.
Sumakay kami sa sasakyan ni Ian at nagpababa sa North gate, pumasok ulit kami at nag ikot ikot. Nanood kami ulit kami ng sandali at ng mapagod ay pumunta sa booth ng Catch2t12.
Ilang minuto ang nakalipas, ay nakuha namin ang karton na may nakasulat Free Hugs at Free Taste. Syempre, sinuot namin ni Excel at nag ikot ikot, na kay Excel ang Free Hugs at nasa akin naman ang Free Taste.
Sa dami ng tao sa soccer field ay di syempre mawawala ang mga tumatawa sa amin dahil sa mga nakasabit sa aming leeg. At dahil din dun sa mga nakasabit sa aming leeg kaya nakayakap si Excel ng ilang mga tao at ako rin, nang mapunta sa akin ang Free Hugs.
Nasubukan ko rin namaposasan. Tinawag kasi ako ni Nicole, yun pala, bawal umapak sa inaapakan niya. Ayan tuloy, kaming dalawa ay naka posas.
Nang makawala ako sa posas, ay kumain na kami ni Excel.
Nang maubos ay uminom kami sa fountain dun sa Miguel Hall. Nakita ulit namin ang Haunted Hall wala ng pila, kaya lang wala na ring ticket. :( Bumalik nalang ulit kami sa booth ng Catch2t12.
Doon ay naabutan namin sila Wilma at Jen na kumakain. Sila ang pumalit sa amin dun sa pwesto namin kanina. Tumambay lang kami doon hanggang dumating ang Itchyworms.
"Ang gusto ko lamang sa buhay ay... Yakapin mo ako."
Yan ang una nilang kinanta. Sayang, hindi nila kinanta ang Showtime! At sayang din dahil tatlo lang ang kinanta nila. :(
Uuwi na sana ako ng dumating ang Urbandub, ang main event ng fair.
Sa Urbandub ko lang nakita yung talagang tumalon talon na ang mga tao. Rock on daw!
"Oooooooowooooo ooooooh! Woooooo oooooh!
First of Summer ang kanilang pangatlong kanta. At buong akala namin na iyon na ang huli. Wala na kami sa may stage ng kinanta pa nila ang Guillotine.
Nang matapos ang Urbandub ay kinanta naman namin ang Alma Mater.
Palabas na kami, ilang hakbang nalang ay SJ Walk na...
"Never shall we fail..."
Nang biglang may pumutok!
"Hail to De La Salle!"
May fireworks sa taas namin. Saktong sakto, nasa ilalim lang kami ng fireworks.
"Hail! Hail! Hail!"
At habang pumuputok ang mga iyon ay nararamdaman ko ang aming tuition na nasusunog. Nakakatuwa isipin na ilan sa mga tuition namin ay napunta dun sa maganda, magarbo at makulay na fireworks. Pero okay lang, nakakatuwa naman at talagang may fireworks pa.
Isang magandang ending sa isang napakasayang fair. 99 Years na ang DLSU!
Next year will be 100 years! And next year will be our year of graduation!
At oo nga pala!
February 21, 2010! Happy Birthday Shiela!
No comments:
Post a Comment