Di kami nakaregister sa Java Cup. At bitter din ako dun. :|
Pero I'm still looking forward to three other contests. And to compare these three to the previous two, walang wala sila. IUPC-CompSat and Java Cup are both local contest, parang only in the Philippines. Kapag nanalo ka, you got the price, the trophy, the bragging rights and it ends there.
But 24-hour programming challenge, Imagine Cup and ACM-ICPC are worldwide, meaning... less chances of winning. Even though, being in those three contest and representing your country is such a nice feeling.
24-hour programming challenge electronic contest is on February 27, and if we can join, we will program 5 hour straight with a set of problems. At kapag nakapasok kami, sana nga, sa finals at kung kami ang mapipili na ipadala, sana ulit, ay magkakaroon kami ng pagkakataon na makapunta sa Hungary at dalhin ang bandila ng ating bansa. If you think that 5 hour straight programming is too long enough, just wait till finals, where you will program 24 hours. Yes, 24 hours. That's why they call the contest 24-hour programming challenge.
Matatapos naman ang 1st round ng Imagine Cup sa March 15. At dahil magaling kami, puro plano palang ang nagagawa namin. Pero kaya namin ito. Malakas ang aking pakiramdam na kaya namin tapusin 'till March 15. Bakit? Ang isa sa mga nanalo last year ay tatlong araw lang ginawa ang kanyang program. Dito ay sumali kami sa Game Design category at kailangan ang aming gagawing laro ay kayang makapagligtas ng mundo. Mahirap? Hindi naman. Basta mag isip lang ng mabuti. Malakas din ang aking pakiramdam na may chance kami makapasok. Dahil pagkami ay nag sama sama, kami ay IMBA.
Ooooooy! ACM-ICPC. Ang contest kung saan kami nag simula. Nakakaadik pala sumali sa mga contest. Isang beses palang namin nagawa ay hinahanap hanap na namin. Di kami pinalad na manalo dati kasi ay natuyo ang utak namin. As in di na kami makapag isip. At ngayong taon, panibagong ACM-ICPC ulit ang sana ay aming masalihan. Dito sa contest na ito kami may pinakamalaking chance manalo.
Okay diba? Nakakapagod ang mga contest na ito, pero okay lang. Sayang eh, PANGDAGDAG RESUME DIN ITO! Yey.
No comments:
Post a Comment