Guys, hindi pala tayo nag MOTA noh. Boo to that. Yung mahigit isang taon nating plano at pangarap, hindi natin nagawa. Malapit na tayo eh, natitikman na natin ang ginto. Pero certificate lang ang naiuwi natin.
Oo, masaya naman ako na nakaabot tayo ng ganito kalayo. At nakaabot tayo dun dahil sa mga paghihirap natin. Nanominate tayo eh. Ninominate tayo ni Sir Borgz at ng ating mga panelists dahil tiwala sila sa nagawa natin. Take note, nagawa natin.
Di ko na masyadong inusisa kung bakit wala tayong nakuhang award. Ang sabi niyo lang sa akin ay hindi nasunod ang testing na gusto ng mga judges. Well, wala na tayo magagawa dun. Hindi tayo nakakuha ng award hindi dahil mali ang ginawa natin, kundi dahil di natin nasunod ang dapat na gusto nila. Wala tayong maling ginawa. May hindi lang tayo nagawa.
Ang laki, ganda at possibilities ng system natin ay parang hindi nakita at nabali wala dahil sa hindi natin nagawa.
Sayang. Pero hindi natin kawalan yun. Sayang lang at hindi nila nakita ang mga yun.
Kung mapapansin niyo, hindi ko sinasabi na natalo tayo. Kasi una, hindi naman competition yun. At higit sa lahat, sa tingin ko ay hindi naman talaga tayo talo. Ang laki, ganda, at ang daming possibilities sa system na nagawa natin para sabihin na talo tayo. The mere fact na nagawa natin yun in just a year ay panalo na.
So paano tayo mas magiging panalo? Nacriticize ang testing natin. So malamang sa DOST, icriticize din yan. Pero subukan parin natin.
Ako. Dun ako sa hindi na masyado icriticize ang testing natin. Susundin ko ang pangarap ko. Mag startup ako para sa system natin. Ipapagamit ko ang Hotchpot sa maraming tao. Sa tingin ko ay hindi naman masyado kailangan ng ganun kahirap na testing para gamitin ng mga tao. Sabi niyo nga, walang testing ang Facebook. Kaya hindi rin yun makakakuha sigurado ng award for MOTA. Boo you too Facebook. Walang sense ang Twitter. Kaya wala rin siyang award. Boo you three Twitter. Pero asan sila ngayon. Ayun sila. At gusto ko sila sundan gamit ang ating Hotchpot.
Kayo. Tara, gawa tayo ng company. Tayo nalang ang kulang. Naaalala niyo ba yung mga panahon na nag iisip tayo ng startup idea? Eto na oh!! May idea na tayo. Ay hindi pala, may system na tayo. Hindi na natin kailangan iimplement pa from scratch. Konting changes nalang. Less work. Less hassle. Eto na oh!! Hinihintay nalang tayo ng Hotchpot.
Natatakot kayo baka walang mangyari. Isipin niyo, pag walang mangyari, anong mawawala sa atin? Bata pa naman tayo. Wala pang masyadong masasayang.
Oops. Masyado pa tayong bata. Tama lang. Ulitin ko, bata pa nga tayo. Wala pang masasayang. Kailan niyo gusto? Pag tumanda na tayo? Pag may asawa't anak na tayo? Mas mahirap yan, ang dami ng mawawala sa atin.
Wala pa tayong nalalaman? Kaya nga. Experience is the best teacher diba. Kaya nga papasok tayo sa startup para maexperience natin ito. At magkaexperience dito.
Teka, pero paano naman kapag may mangyari? Wow!! Pumatok ang Hotchpot. Ginamit ng maraming tao. BOOM!! Ayan ang BOOM ni Kenneth. BOOM!! Just do the math of our gains.
We have almost nothing to lose but we have everything to gain.
Hotchpot Ltd.? Hotchpot Inc.? Hotchpot Co.? Nandiyan na yan. Tayo na lang ang kulang.
Co-founder title. Alam ko gusto niyo.