Check out my new blog

Sunday, October 9, 2011

Coke Light

Maraming version ang Coke. May regular, may zero, may light at may cherry pa nga ata. Ang pinaka favorite ko sa mga yun ay ang Coke Light.

Ang lasa ng Coke Light ay tamang tama lang para sa akin. Yung tamis ay sakto lang, na may konting tabang. Kaso ako lang ata ang taong may gusto sa lasa nito. Sabi ng aking mga nakakusap, ang tabang daw. Parang walang lasa. Pero yun nga ang gusto ko dun! Di kasi ako mahilig sa masyadong matamis, kaya okay sa akin ang medyo matabang.

Kaso nga lang, hindi ata lahat ng restaurant ay nagtitinda ng Coke Light. At yung ibang restaurant pa ay expired ang natitindang Coke Light. Sa limang restaurant ata na napuntuhan ko ngayong linggo, tatlo ang may expired na Coke Light. Di ko naman sila masisisi. Talagang walang umoorder ng Coke Light kaya naiiwan lang na nakastock sa kanilang refrigerator at naeexpire.

Buti nalang, nung kumain ulit kami sa restaurant na nakitaan ko na expired na Coke Light, hindi na expired ang naibigay nila sa akin. *clap clap clap* Siguro nung sinabi ko na expired na ang Coke Light nila ay tinapon na nila yun lahat at bumili na ng bago. Tama lang.

Oo nga palaaa, alam ko ang lasa ng expired na Coke. Pero hindi pa ako nakakatikim ng expired na Coke Light. Nalalaman ko lang talaga na expired sila. Instincts kumbaga.

Kaya kung balak niyong umorder ng Coke Light, tingnan muna lagi ang expiration date sa ilalim ng lata.

No comments:

Post a Comment