Check out my new blog

Thursday, May 27, 2010

Ganito ako mag isip.

Minsan sa aking buhay nagiging makata ako. Minsan, kung ano ano nalang ang naiisip ko. Minsan, kung ano ano nalang ang nasasabi ko. Masasabi ko na ako ay magaling sa pagkokonek konek ng mga bagay bagay. Kahit malayo pa ito, pag ako ay nasa mood, magagawan ko ng paraan mairelate siya sa isa.

Ngayon, naisip ko na ilagay dito ang ilan sa mga aking naiisip. Ito ang aking mga naisip nung mga nakaraang buwan.

"What is love?
Love is a gravity that exists on human.
It is a feeling of intense attraction of a human to another."

---------------------------------------------

"Sasagutin mo rin naman pala ako, bakit hindi pa ngayon?
Isang kagaguhang tanong!

Dahil parehas lang yan sa...
Mamamatay ka rin naman pala, bakit hindi pa ngayon?

May mga bagay kasi na kailangang hintayin o di dapat madaliin.
Dahil may tamang oras sa bawat bagay na iyong nais gawin."

---------------------------------------------

"FACT

- Forget the past.
- Accept the present.
- Change the future.
- Then smile. :)

Live with the FACT."
(bumenta 'to sa Tumblr at nagpataas ng tumblarity ko dati)

---------------------------------------------

"Pwede ba akong mag goodnight sa iyo?

Kahit alam kong umaga na?
Mapansin mo lang ako."

---------------------------------------------

"Bakit ganito ang buhay?
Dahil ang buhay ay isang salita galing sa dalawang ingles na salita. ang Burden at Happy.
Tingnan mo mabuti, tama diba?

Kaya sa bawat buhay ay may burden o paghihirap. Pero sa bandang huli naman nito ay may happy o kasiyahan.

Kaya harapin nalang natin ang paghihirap dahil sa huli ng buhay ay may kasiyahan."

---------------------------------------------

"Matamaan at masaktan ka man sa puso, wag kang mag alala. Puso lang yan, malayo sa bituka. Di ka mamamatay jan."

---------------------------------------------

"Kung pumapasok ka kasi para lang mag-aral, talagang hindi ka mag eenjoy. Pero kapag pumapasok ka para mag-aral at makita ang mga magagandang babae sa school, siguradong enjoy yun."

---------------------------------------------

Guy: Hello World!
Girl: Ang nerd mo. Alam mo yun?
Guy: De, ikaw kasi ang mundo ko. Kaya ako nag hello sayo.

---------------------------------------------

Girl: Asa ka naman.
Guy: Asa ako?
Girl: Oo, asa isipan ko.
Guy: Ayyy. So ikaw rin pala asa.
Girl: Oh?
Guy: Asa puso ko.

---------------------------------------------

"Alam mo yung sayang?
Ito yung nasayo na ang bola,
libre ka na para itira,
pero nagdribble ka pa,
at naagaw naman nila.
Sayang diba?
Nasayo na, nawala pa."

---------------------------------------------

"Kung walang mali sa mundo, ang lahat ng tao ay bobo.
We learn from our mistakes.
Paano tayo matututo kung walang pagkakamali?"

---------------------------------------------

"Mahal kita.
Simpleng salita,
Na alam ng kahit sinong bata.
Ngunit bakit ang hirap sabihin sa kapwa?
Dahil ba natatakot ka,
Na ang kapwa ay mawala nalang bigla?"

---------------------------------------------

"Lahat ng problema sa math may solusyon. Pero hindi lahat ay kayang isolve ng mag-isa lang. Kaya nga may calculator, para tayo tulungan sa mga problemang hindi natin kayang isolve ng mag-isa." (Calculator = Friend)

---------------------------------------------

"Ang paghahanap ng true love ay parang binary search algorithm lang. Mabagal at matagal man, makakakita at makakakita pa rin."

---------------------------------------------

"In making decisions, we just do not look at the current moves, but we also need to take note of the effect of that moves."

Nabasa niyo na lahat? Ganyan talaga ako kapag nagkakaroon ng pagkakataong mag isip ng malalim.

2 comments:

  1. RE:"Lahat ng problema sa math may solusyon. Pero hindi lahat ay kayang isolve ng mag-isa lang. Kaya nga may calculator, para tayo tulungan sa mga problemang hindi natin kayang isolve ng mag-isa." (Calculator = Friend)

    kaya humanap ng dual power calcu. para pag na-low batt may solar power at pag wala nang araw may battery power :D

    ReplyDelete
  2. ano ba ang ibig sabihin ng dual power calcu in terms of a friend? BESTFRIEND na, GIRLFRIEND/BOYFRIEND pa? Ayos yun. :))

    ReplyDelete