Check out my new blog

Thursday, June 2, 2011

Coupon deck of McDo

Nung tayo ay bata pa, meron tayong Pokemon o kaya naman Yu-Gi-Oh cards. Marami tayo nito at nakakabuo ng isang deck. Meron din namang tinatawag na deck of cards para makapaglaro ng Tongits, Pusoy Dos at marami pang iba.

Pero kanina, kakaibang deck ang aming nahawakan. Naglalakad lang kami sa labas ng McDo DLSU, nang makita namin na may nagpapamigay ng coupon para sa mga discounts sa McDo.

Syempre, nanghingi kami.

At binigyan naman kami, binigyan naman kami nito...

O, deck of coupons sa McDo. Gusto mo? Malaki rin ang matitipid sa double cheeseburger plus Coke Float.

Syempre, sa dami, pinag hati hatian namin. Hinati namin sa apat ang coupons na para bang nag lalaro ng baraha.

Sooo, sino gusto kumain sa McDo? Discount ko gamitin niyo!

No comments:

Post a Comment