Hindi naman ganun karami ang sinasabi nilang kailangan dalhin. Sa katunayan, ayon sa naaalala ko, yan din ang mga dala ko nung frosh ako.
Importante ba silang lahat? Oo.
Kailangan ba silang lahat? Oo.
Pero kailangan ba silang lahat sa first day? Hindi.
Para sa akin, ang index cards at pictures ay hindi pa muna kailangan sa first day. Dahil sa first day palang manghihingi at magsasabi ang mga teachers kung kailangan. Pero dahil frosh ka, ready ka.
Ako, ano nga ba ang dadalhin ko sa first day of my last term?
Ballpen at notebook lang. Nakalagay sa bag ko na gamit ko na muka pa nung grade 5 ako. Yung ibang kailangan? Manghingi nalang sa katabi. That's what friends are for.
Sa katunayan, ang laman ng bag mo ay "inversely proportional" sa tagal ng stay mo sa school. Habang tumatagal, kumokonti ang laman ng bag mo.
Pero malamang, darating sa buhay mo na ang libro mo ay hindi na kasya sa bag mo. Hello TC7!
Sundin niyo ang payo ng Santugon, walang mawawala sa inyo.
No comments:
Post a Comment