Check out my new blog

Friday, May 20, 2011

Uso ang frosh tips ah

Next week na pasukan. May mga frosh na naman na gagala gala, mag iipon ipon sa hallway at haharang sa daan. Yes, yan ang ilan sa mga bad impression sa mga frosh. Kahit ano pa gawin mo, hindi mo maitatago sa iba na frosh ka. Siguro, maitatago mo sa kapwa mo frosh pero sa upper batches, malamang obvious kayo. Bago mukha niyo eh.

Naging frosh din naman ako, kaya nagawa at naranasan ko na rin yang mga yan. Been there, done that. At dahil nga tapos na ako sa pagiging frosh, sa katunayan ay tatlong taon na ang nakalipas noong naging frosh ako, may mga tips din naman akong maibibigay. Ang mga tips ko ay para sa mga incoming CCS lalong lalo na ang mga ComSci froshies ngunit pwede rin naman sigurong magamit ng mga ibang colleges.

Madali lang ang ABC, kahit nursery kabisado ito. Pero sa CCS, iba ang ibig sabihin nito. Ang ABC ay Algebra, BASICON, COMPRO1. Ingat ingat lang. Delikado sila. Wala akong masyadong sasabihin tungkol dito, ayaw ko manakot. Ang masasabi ko lang, abangan niyo sila.

Ang mga teacher niyo na nakalagay sa EAF, kadalasan ay mga pawang kasinungalingan lang.

Magpasikat agad? Wag. Mag lay low muna kayo ala ninja. Bakit? Ikaw ang magiging tanungan ng assignments lalong lalo na sa programming. Gusto mo bang maexperience sa YM ang...

"Classmate! Ano mali dito sa code ko?
printf("Hello World!")"

Yan ang madalas mangyayari sayo pag nagmadali kang mag pasikat na para kang nasa Showtime. Hindi ko naman sinasabing wag ka tumulong, pero kasi pag paulit ulit mo nalang na sinasabi na wala kasing semicolon sa end ng statement niya, diba nakakaasar na?

Magagaling ang mga nerds, pero hindi gaano, at hindi lahat sa kanila ay matalino. Kadalasan, wala sa mukha ang talino. Minsan, ang makulit sa klase, ang kasamahan mo sa pag hanap ng chicks, o kainuman mo sa GP ay ang tunay na mag eExcel sa inyong batch. Trust me on this.

Hindi lahat ng nag aaral, pumapasa. At hindi rin lahat ng hindi nag aaral ay bumabagsak. Kaya minsan, mas mabuti naring hindi mag aral.

Di na kailangang lumayo pa. Nasa Gox na ang lahat, malapit sa Agno, may lobby o study area na minsan ay mainit, may computer lab, at may GAPA (Gox All Purpose Area) na dating GEA (Gox Eating Area).

Pwedeng gawin halos lahat sa GAPA, kaya nga tinawag na all purpose area eh. Pwede dun kumain, tumambay, mag kwentuhan, mag ingay, mag laptop (wala nga lang WiFi), o mag PDI kung di kayo nahihiya (wag lang papahuli sa DO).

Di mo na kailangan mag suot ng bonggang bongga pag CCS ka. Halos lahat ng tao dun ay simple lang. Kadalasan nga, ang bongga mag damit ay hindi talaga para sa CCS.

Sumama sa tamang barkada, isa ito sa susi mo sa tagumpay. Ito mahirap, dahil hindi porke't nag doDotA araw araw ang mga kasama mo, o umiinom sa GP, kahit nga nag kacut sila ng class ay masamang barkada na sila. Suriin mo nalang mabuti at kilalanin ang sarili.

Para sa akin, wag muna masyadong idedicate ang sarili mo sa mga orgs. Dadami ang free time mo pag hindi ka na frosh.

Santugon o Tapat ka man, parehas lang yan. Hindi ako member ng dalawa na yan pero sa tingin ko parang pamilya ang turingan nila sa isa't isa. Medyo busy at kakainisan nga lang sa panahon ng election, pero okay sila.

Ang mga yan ay ilan sa mga naisip kong tips, iupdate ko ito pag may naalala pa ako. Opinion ko lang naman ang mga ito. Pero kung may tanong, reklamo o komento ba sa mga nasabi ko? May comment box naman sa baba.

Excited ka na ba pumasok? Kita kita tayo sa pasukan.

4 comments:

  1. Ask ko lang po. CCS student ka rin po? :)

    ReplyDelete
  2. Okay. So late ko po nabasa. CCS student nga. :)

    ReplyDelete
  3. Hello Kuya :) Kudos sa tips mo. Hahaha. Incoming frosh man ako sa CLA, I must say that I really find some these useful. Nakakawala ng kaba =)). Anyway, naintriga ako dun sa "Wag munang masyadong idedicate ang sarili sa org." na tip mo. Parang feeling ko kasi mas okay if I would start being active now. Pero po bang paki explain further yung point na yun? Salamat! :>

    ReplyDelete
  4. ^ depende din naman sa tao yun. Ako kasi feel ko too much acads pa ang frosh years then mag lessen sa incoming years. Yun ang naexperience ko as a CCS student.

    Para sa akin kasi mas okay mag focus muna sa acads kasi mahirap pag sabayin ang org works at ang acads. Well, yun lang naman talaga dahilan ko.

    Pero okay din naman ang orgs sa start to socialize and earn new friends. Matutulungan ka rin nila. Basta ba hindi mo papabayaan ang acads, at kaya mo, it's okay. :)

    ReplyDelete