Check out my new blog

Monday, April 26, 2010

Jeje language to a slightly normal / readable text

Nahihirapan ka na bang mag basa ng jeje language?
Buti nalang at nandito na ang Jeje to Normal translator para isolve ang iyong problema.

Ayos diba!
Subukan na.

Anti-JEJE-er v1.1

Jeje form:



Slightly normal / More appropriate form:


by: JayPeeBee 2010
for comments or suggestions, email me at jaypeebee18@yahoo.com

Saturday, April 24, 2010

Download link of Pinoy Henyo! The computer game.

So, maraming nanghihingi ng download link ng Pinoy Henyo. So eto na...

I just uploaded it, and here's the link.

Please read the "README.txt" first, yes read it all. Before using the program para maiwasan ang di kaaya ayang mga gawain.

Lahat ng kailangan niyong laruin, malaman, gawin at kalikutin ay nasa RAR file na inupload ko. Sorry, no source code included. :D

EDIT: Kailangan ata ng JRE or Java Runtime Environment to run it. You can download it here.

Wednesday, April 21, 2010

Pinoy Henyo! The computer game.

Tanong: Tao ba ito?
Sagot: Hindi!
Tanong: Bagay?
Sagot: Hindi!
Tanong: Ginagawa ba ito?
Sagot: Oo.
Tanong: Ito ba ay isang laro?
Sagot: Oo.
Tanong: Nilalaro ba ito sa Eat Bulaga?
Sagot: Pwede!!!
Tanong: Sa Pula, Sa Puti???
Sagot: Hindi. Hindi!!!
Tanong: Hmmm. Pinoy Henyo?
Sagot: OO OO OO!!!

Pinoy Henyo, ang larong pinasikat ng Eat Bulaga. Malamang, alam niyo na ito. Malamang din na nakalaro na rin kayo ng ganito. Madalas kasi itong nilalaro sa mga party. At ang laro na ito ay talagang nakapag bibigay talaga ng aliw.

Pero nasubukan niyo na bang maglaro ng Pinoy Henyo sa computer. Sa tingin ko ay hindi pa. Kaya kami, para sa aming machine project sa INTRNLP (Introduction to Natrual Langauge Processing), ay gumawa ng isang simpleng computer game ng Pinoy Henyo.



Ang nasa taas ay isang sample screenshot ng aming laro. Tulad ng laro sa Eat Bulaga, ito rin ay may time limit na 2 minutes. Ang pagkakaiba nga lang nito ay computer ang sumasagot, imbes na mga tao, sa mga tanong.

Pasensya, hindi ko ito iupload para idownload. Ang mga salita kasi na kayang intindihin ng program ay limitado palang.

Pero kung gusto niyo subukan, mag comment lang kayo at bigyan ko kayo ng copy.

EDIT: Download the game here.

Friday, April 16, 2010

Inspired.

Oo, inspired ako. So ano nanaman ang iniisip niyo ngayon?

"Hindi lahat ng inspired, in love."

Hindi ito tungkol sa babae. Hindi ako inspired dahil sa babae. Inspired ako dahil sa Imagine Cup. Aaminin ko, nawalan na ako ng tiwala sa game namin na Nation Driver noon. Hindi ko na siya inaasahan na makakapasok pa siya sa round 2. Pero ano nangyari ngayon? Against all odds, nagkamali ako. Nakapasok siya sa round 2.

Naisip ko tuloy na baka may nakita ang mga judges sa aming entry na hindi ko mismo nakita. Nakita nila iyon kaya nila ito pinasok sa round 2. At ang nakita nila na iyon ay kailangan ko ring makita. Para ang aming game ay mas maimprove pa.

Ngayong nasa round 2 na siya, at napasama kami sa 150 out of 696 entries. One step closer nalang para sa round 3 or the World Finals sa Poland.

Ipinapangako ko sa sarili ko na ibubuhos ko lahat ng aking lakas at makakaya sa pag improve ng aming Imagine Cup entry.

Nation Driver v2.0 in two weeks.

Thursday, April 15, 2010

At bakasyon na... NAT!

Pagkatapos ng mga exams...

OPERSYS (Operating System) na mahirap. Pero hindi ako kinakabahan dito, after kong makakuha ng matataas na score sa dalawa naming DepEx at isang magandang MP.

NETWORK (Networking). Ms. Ana Pedro is the best! Para sa akin, ang exams namin dito ay tama lang. May mga alam akong sagutan, at may mga hindi rin ako alam. May mga sure akong tama, at meron din namang mga hula. LOLOLOL at subnetting.

WEBDEVE (Web Application Development). Sabi ni Excel mahirap. Pero para sa akin, ang dali dali nitong test na ito. <%--At ito ay isang comment ko lamang.--%> Dirediretso ako sa pag sagot at nalito lang sa mga factory, templates, etc. etc.

At yan ang aking exams para sa term na ito. Pero wait... There's more... May INTRNLP Finals pa pala kami. Hindi pa siya pinapasa nung Wednesday dahil sa napakahirap hirap na buggy program. As in mahirap siya. Kaya iniba nalang ang aming finals at ito ay due na on Monday.

Papasok pa ako sa Monday. Hindi ko pa bakasyon. :(

Ay... Oo nga pala...

WALA AKONG BAKASYON.

May OJT pa pala ako. OJT na sa kasalukuyan ay wala pa.

Kapagod pero masayang term...

Okay na siguro 'to. Gagawin ko pa ang aming entry for the Imagine Cup round 2. Yey!

At... Third year na ako sa pasukan!

Saturday, April 10, 2010

Nation Driver: The drive to Poland continues.

Naghintay kami ng March 29. Pero ang sabi ay hindi kami nakapasok sa round 2 ng Imagine Cup Game Design. Ngunit nung bandang hapon ay narealize namin na wala palang nakapasok. Sa forums, sa leaderboards, walang nakapasok sa round 2. Pag uwi ko sa bahay, tiningnan ko ulit ang result at sabi ay namove daw ang results to April 4. Binigyan kami ng panibagong pag asa.

Kaya kami naman ay naghintay hanggang April 4. Naaalala ko pa nung pag kauwi ko galing sa simbahan ay tiningnan ko agad ang result sa kanilang website. Pero ulit, namove nanaman ito sa later date, which is April 10. At ito ay ngayon.

April 10 - Gumising ako ng maaga, hindi para tingnan agad ang result. Sa katunayan, hindi ko ito naalala agad. Gumising ako ng maaga dahil manonood ako ng Showtime. Saka ko palang tiningnan ang result pag katapos ng Showtime. Pumunta ako sa leaderboard kung saan makikita ang listahan ng mga nakapasok sa round 2.

May tuldok sa gilid ng team name namin.

At sigurado ako, na ang tuldok sa gilid ng team name namin ay nangangahulugang pasok kami sa round 2.

Pumunta ako sa competition page ng Game Design at nakita ko ito...


Isa lang naman ang ibig sabihin niyan...

Oo, PASOK KAMI SA ROUND 2!

And the drive to Poland continues.

Friday, April 2, 2010

Unconditional love.

Ilang araw na rin ako gumagawa ng project namin sa WEBDEVE (Web Application Development) kung saan kailangan namin gumawa ng isang website or application na makikipag interact sa Facebook.

Nahihirapan na ako sa paggawa nito dahil hindi ito tulad ng dati na ang kailangan ko lang isipin at gawin ay mag program sa Java. Ngayon, kailangan ko pang gumamit ng HTML, CSS, Javascript, JSP, Java, Facebook API para magawa ang aming project.

Sa katagalan ng aking paggawa ng project, naging dalawa ang tingin ko sa Facebook.

  1. Isang social networking site na ginagamit ng lahat.
  2. At isang komplikadong application kung saan pwedeng gamitin din ng lahat.

Gusto ko ng ginagamit ang Facebook bago pa ang project na ito. Pero dahil sa project na ito, narealize ko na ang pagkagusto ko sa Facebook ay parang unconditional love.

"Unconditional love is a term that means to love someone regardless of one's actions or beliefs." - Wikipedia

Unconditional love kung saan kahit wala namang naidudulot na mabuti sa akin ang Facebook ay gusto ko parin siya at ayaw kong iwanan.

Unconditional love kung saan ako'y nahihirapan pero wala naman akong makukuhang kapalit.

Baka sabihin niyo, meron. Merong mabuting maidudulot sayo ang Facebook. Magandang grades.

Hindi. Dahil hindi naman ang Facebook ang magbibigay sa akin ng grades. Ang prof parin ang bahala, si sir Danny parin ang bahala dun.

Kahit ayaw ko na at nagsasawa na ako sa kulay blue at puti na website, hindi ko pa rin siya magawang iwanan.

Facebook, nakakasawa ka na!

Ha? Ask your Friend.


If you are receiving wall posts like this on Facebook, don't be scared. Project lang po namin yun and I'm just testing it.

Ha? Ask your Friend! logo

Sorry at hindi talaga kayo makakapunta sa mismong application, dahil hindi naman ito naka host sa isang web server.

Localhost lang kasi.

Thursday, April 1, 2010

Nang kumain kami sa KFC

Ang bilis natapos ng make up class namin sa INTRNLP (Introduction to Natural Language Processing). Ayaw pa naming umuwi kaya nagpalibre nalang kami ni Excel kay Shiela. At ayos, pumayag siya.

Bumili muna kami ng mangga at dumiretso na sa KFC. Syempre, kumain kami dun. At habang kumakain kami ay napunta ang aming usapan sa panliligaw.

Napagusapan namin ang tungkol sa blog ko na about sa panliligaw. Nagbigay ng sari saring komento si Shiela at si Excel tungkol sa implied na panliligaw at yung alam na panliligaw. Dun lang umikot ang aming usapan, para bang naging kwentong love life ang naging topic.

Pero hindi nag tagal, tinanong nila ako...

"Jolo, bakit di ka pa kasi manligaw?"

Ako naman, whaaaat? Sino liligawan ko? Hahahaha!

"Ede yung gusto mo."

Ahhhh, ligawan ko daw yung gusto ko. Pero kahit gusto ko man manligaw na. Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko alam kung kaya ko ibudget ang time dahil sa studies. Oo, masyado akong abala ngayon sa pag aaral. At siguro, lalo na sa mga susunod na terms. Dahil nga nakapasok ako sa ladderized MSCS at thesis na din namin.

Sabi ko sa kanila hindi pa ako ready. Sabi naman nila, "Sige ka, baka maunahan ka ng iba."

Hahaha. Yun nga din ang takot ko. Kaya sabi ko nalang...

"Ipagdadasal ko nalang na walang mauna."

Sana nga.

Pero naisip ko, kung may nauna nga. Baka talagang ganun, hindi ako ang para sa kanya. At hindi siya para sa akin.

Minsan sa buhay, kailangan lang talaga mag hintay. Kaya ngayon... aral muna. Hahahaha!