Check out my new blog

Friday, April 2, 2010

Unconditional love.

Ilang araw na rin ako gumagawa ng project namin sa WEBDEVE (Web Application Development) kung saan kailangan namin gumawa ng isang website or application na makikipag interact sa Facebook.

Nahihirapan na ako sa paggawa nito dahil hindi ito tulad ng dati na ang kailangan ko lang isipin at gawin ay mag program sa Java. Ngayon, kailangan ko pang gumamit ng HTML, CSS, Javascript, JSP, Java, Facebook API para magawa ang aming project.

Sa katagalan ng aking paggawa ng project, naging dalawa ang tingin ko sa Facebook.

  1. Isang social networking site na ginagamit ng lahat.
  2. At isang komplikadong application kung saan pwedeng gamitin din ng lahat.

Gusto ko ng ginagamit ang Facebook bago pa ang project na ito. Pero dahil sa project na ito, narealize ko na ang pagkagusto ko sa Facebook ay parang unconditional love.

"Unconditional love is a term that means to love someone regardless of one's actions or beliefs." - Wikipedia

Unconditional love kung saan kahit wala namang naidudulot na mabuti sa akin ang Facebook ay gusto ko parin siya at ayaw kong iwanan.

Unconditional love kung saan ako'y nahihirapan pero wala naman akong makukuhang kapalit.

Baka sabihin niyo, meron. Merong mabuting maidudulot sayo ang Facebook. Magandang grades.

Hindi. Dahil hindi naman ang Facebook ang magbibigay sa akin ng grades. Ang prof parin ang bahala, si sir Danny parin ang bahala dun.

Kahit ayaw ko na at nagsasawa na ako sa kulay blue at puti na website, hindi ko pa rin siya magawang iwanan.

Facebook, nakakasawa ka na!

4 comments:

  1. Parang dati ayaw mo sa Facebook a :))

    ReplyDelete
  2. haha. oo nga eh. tapos ngayon, kailangan na kailangan ko dahil required. :|

    ReplyDelete
  3. HAHAHA. Onga noh. :)) Parang dati lang Jolo a. :))

    ReplyDelete
  4. eh kasi naman, nagustuhan ko ng konti. :))
    tapos ngayon required pa. wala na akong magagawa kundi gamitin siya. :|

    ReplyDelete