Check out my new blog

Wednesday, December 1, 2010

Si Son Goku at ang aking kabataan.

Ewan ko kung sadya talaga or coincidence lang, pero sa first class namin kanina ay napag usapan ang mga nilalaro namin nung bata pa kami.

Unang nabanggit ang larong Jack and Jill, hindi ko ito nalaro pero madali ko lang itong natutunan kanina. Para lang siyang Nanay Tatay na mas madaling version.

Naaalala ko pa noong nag lalaro kami ng Nanay Tatay noong bata pa kami. Hirap akong laruin ito dahil hindi ko mabilang ang aking palakpak.

"Nanay Tatay, gusto kong tinapay.
Ate Kuya, gusto kong kape.
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo.
Ang mag kamali ay pipingutin ko..."

Isa pang larong napag usapan kanina ay ang Charge Shield. Ito ay isa sa mga paborito kong laurin noong bata pa ako, pero kanina ko lang nalaman na may Reflect pala. =)) Kung saan ang kalaban ang matatamaan ng sarili niyang tira, worth one charge ang skill daw na ito :|

Pati ang Chimpoy Champoy na laro ay napag usapan din. Ito ay parang variation ng Jack En Poy ngunit may kasabay na kanta at pag katapos na tira ay may katumbas na aksyon. Kapag ikaw ay panalo, mag sasabi ka ng BEH BEH!. Kapag ikaw naman ay talo mag sasabi ka ng AMEN! At kapag naman tabla ang kinalabasan, mag sasabi kayo parehas ng OINK OINK!

Namention din ang mga larong tulad ng Piko at Chinese Garter.

Natigil lang ang usapan namin nang dumating ang aming teacher. Akala ko ay tapos na ang usapan, ngunit nag patuloy ito habang kami ay kumakain ng lunch.

Dito ay napag usapan naman ang mga laro tulad ng Langit Lupa, Ice Ice Water, Agawan Base, Patintero, at iba pa. Napag usapan din namin ang mga laruan noon tulad ng Turumpo, pati ang mas high tech version nito na Bey Blade, nabanggit din naman ang Yugi-Oh cards, Tex at Pogs na kung ano anong picture ng anime ang nakalagay, pati ang Crush Gear at mga Tamiya race cars.

Hindi parin pala dun nag tatapos ang lahat. Pagkabukas ko ng aking Facebook account sa bahay, nakita ko na ang karamihan ng profile picture ng aking mga Facebook friends ay mga cartoons o anime noon. Nakita ko sila Voltes V, Card Captor Sakura, Charmander, Vincent, Alfred, at napakarami pang ibang karakter noong kabataan ko.

Natuwa ako kaya pinalitan ko ng Son Goku ang aking profile picture.

Pagkatapos non, ay nakipag palitan ako ng wall post sa aking kaibigan na para bang nag lalaban si Son Goku at si Voltes V. Pinagdedebatihan namin kung sino ba sa kanila ang mas malakas.

Basahin niyo mula sa ilalim.



At sa huli, sumuko din siya. Talagang mas malakas si Son Goku kay Voltes V. =))

No comments:

Post a Comment