Check out my new blog

Monday, July 27, 2009

Big Brother -ish voting

Ngayon ko lang naisip. Bakit hindi na lang nila gawin yung voting for Presidency like the voting for Big Brother? By text votes na lang.

Sa technology natin ngayon, lahat ng tao, makakaboto through texting. Pero naisip ko kung ano problema dito. Dahil pwedeng bumoto ng paulit ulit. Parang madali maging flying voters kapag texting like Big Brother. And flying voters are cheaters, kaya ang mga kandidato ay mas madaling makakapandaya.

Naisip ko rin, bakit ba bawal ang flying voters? Eh kung pwede? Mas madaling makapandaya? Hindi! Dahil kung through texting ang voting, makakaboto na lahat ng ilang beses. Hindi lang ang mga flying voters.

Kung dati, ang mga mandaraya lang ang makakaboto ng maraming beses. Ngayon, pati ang mga tao na gusto ng malinis na eleksyon ay makakaboto ng ilang beses.

"If you can't beat them, join them." Diba? Kung hindi mo kayang talunin ang mga flying voters, gayahin mo sila. At gamitin mo ito para magkaroon ng malinis na eleksyon.

Paano magiging malinis?
Kung gumagamit ng flying voters ang isang politikong mandaraya, syempre, ayaw ng mga tao manalo ang politikong iyon, kaya boboto sila ng boboto ng paulit ulit para manalo ang gusto nilang kandidato dahil yun ang tingin ilang magaling.

Kaya kapag mandaraya ka, ang boboto lang sayo, ay ang mga nabayaran para bumoto sayo ng paulit ulit. Pero ang kandidato na gusto ng samabayanan, ang boboto sa kanya, ay lahat ng tao.

Kahit paulit ulit pang bumoto ang mga bayarang botante, kapag bumoto ng paulit ulit ang lahat ng tao, syempre talo pa rin ang mandaraya!

Kasi nga, hindi nanalo ang kasamaan sa kabutihan! :D

Kung iisipin niyo na ang mayayaman na naman ang mananalo dahil mas maraming beses silang makakaboto dahil nga may load. Tingnan niyo ang Pinoy Big Brother, kung payamanan sana ang laban dun, dapat nanalo si Robi o kaya si Mikee ng Ateneo dahil nga may pera sila pantext. Pero hindi, nanalo parin ang gusto talaga ng tao.

At kung ayaw naman bumoto ng mga tao dahil nga may bayad ang pag text. Pwede naman gawin libre ang vote texting ah. Konting tweak lang yun sa program code. :D

Isipin niyo... May point ako diba?

No comments:

Post a Comment