Check out my new blog

Tuesday, July 28, 2009

Life is like a thread.

Okay, hindi sinulid ang ibig sabihin ko sa thread dun sa title ko. Thread is a computer term for a computer to multitask. Kasi, ang computer ay hindi naman talaga kaya gawin ng sabay sabay as in lahat ng task. Sabi nga ni Sir Inventado sa amin sa OBJECTP, mabilis lang talaga ang computer kaya hindi na halata ang transition ng tasks. Mabilis lang talaga ang mga pangyayari kaya hindi na natin napapansin.

Yan, life is like a thread. Naisip ko ito pagkagising nung nakatulog ako habang nag aaral para sa finals namin sa object oriented programming the next day.

Explain ko na. May relation kasi ito sa time, at numbers. Alam naman nating lahat na inifinite ang numbers. So maybe, akala natin na sabay sabay nangyayari ang ginagawa natin, tulad ng pagtaas natin ng kamay. Pero sa aking palagay, sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na natin napansin na hindi pala magkasabay ang ating ginawa.

Ang ibig sabihin ko dito, WALANG DALAWANG BAGAY ANG MAAARING MAGSABAY DITO SA ATING MUNDO. Maaaring akala niyo na sabay umapak sa lupa ang dalawa mong paa noong ikaw ay tumalon. Pero hindi, dahil maaaring ang kaliwa niyong paa ay nakaapak sa sahig ng may oras na 5.0000010200006 seconds at ang kanan mong paa ay nakaapak sa oras na 5.0000010200007 seconds. Mas naunang nakaapak ang kaliwang paa.

Kaya kung akala niyong sabay na nangyari ang dalawang bagay, siguro dapat niyong tingnan ang oras hanggang dun sa pinakamaliit na decimal. At dahil infinite nga ang numbers, makikita niyo rin na sa malayong decimal value ay hindi na equal ang oras.

Yun lang! :D

PBA09q2rrn2n

1 comment:

  1. masasabi ko lng sa ilang mga post mo. msyado mong pinhihirapan ang buhay mo kakaisip ng mga bagay n dapt d nmn mciadong pinagtutuunan ng pancn. katulad nung mga flying voters n un. npaka imposible gwin nun. pti ung infinite numbers n un. sa tingin mo b mag aabala pa ang mga tao para mapatunayan un. at kung tama k man. ano mapapkinabangan dun? un lng nmn ang opinion ko. wag mo sana ikasama ng loob.

    ReplyDelete