Check out my new blog

Friday, February 26, 2010

Bestfriend of opposite sex.

Bago ako pumasok ng college, sinabi ko sa sarili ko, hindi muna ako magkakagirlfriend pero kailangan magkaroon ako ng bestfriend. Bestfriend na babae, na masasabihan ko ng aking mga problema, hinanakit, damdamin at nalalaman.

Pero bakit babae ang gusto ko maging bestfriend?

Isipin niyo ang isang sitwasyon na kayo ay naiiyak iyak na sa iyong mga problema. At ang taong laging nandiyan ay ang iyong bestfriend, na isang lalake. Siya ba ang iyong pupuntahan para iyakan? Para yakapin? Hindi ba parang ang badiiiiiiiiiing nun? Hindi magandang tingnan, hindi magandang pakinggan.

Kaya lang, nalaman ko, it is not easy to have a bestfriend of opposite sex. Marami palang pagsubok ang madadaanan nito.

Oo, madali ngang sabihin na, "Oy! Bestfriend na kita ah." Pero is it that easy to treat each other that way? Sabi nga sa akin ng isang kaibigan,

"Para masabi mong bestfriend mo ang isang tao, nangangailangan ito ng panahon. Hindi naman pwedeng mag bestfriend na kayo agad."

Yan, sige, mag bestfriend na kayo. Magkakilala na kayo ng may katagalan. Nasasabihan mo na siya ng mga gusto mong sabihin. Alam na niya ang iyong mga sikreto. Tanggap na niya ang iyong mga pagkakamali. May malasakit na siya sayo. At hindi ka na niya iiwanan sa oras ng kagipitan. Oo, mag bestfriend na nga kayo.

Pero wait... Parang may mali. Mag bestfriend nga lang ba? O mag boyfriend na?

Kasi, open ka sa kanya, kilala ka niya, tanggap ka niya, he cares for you at he is always there for you. Kulang nalang, sabihin niya... "I love you." Baka nga nasasabi na niya sayo yun at hindi mo lang pinapansin.

Dahil sa sobrang closeness niyo sa isa't isa. Diba, hindi maiiwasan ang magkagusto rin kayo sa isa't isa. Okay sana kung talagang may gusto ang isa't isa. Eh paano kung one way lang? At ang isa ay bestfriend lang talaga ang turing sayo. Diba ang sakit nun?

Hindi mo masabi ang tunay mong nararamdaman dahil natatakot ka na baka mag iba ang turingan niyo sa isa't isa. Ang weirdo diba, ang taong nasasabihan mo ng lahat ng iyong nararamdaman sa ibang tao, ang siyang hindi mo masabihan ng nararamdaman mo sa kanya.

Pero meron din namang matapang, na kayang sabihin ang tunay na nararamdaman. Kaya lang, kapag ikaw ay matapang, pwede kang icategorize sa malas, maswerte o mas maswerte.

  • Malas - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at ang naging epekto ay nailang siya at nagbango pa ang turing niya sayo.
  • Maswerte - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at walang nagbago. Mag bestfriend pa rin kayo.
  • Mas maswerte - Sinabi mo ang iyong nararamdaman, at kahit one way lang, ay binigyan ka niya ng chance para mapatunayan ang iyong sarili at gawing two way na.
Diba tama ako, ang hirap magkaroon ng bestfriend na iba ang kasarian, maraming pwedeng mangyari. Hindi natin na alam, baka ang bestfriend mo pala ang iyong magiging asawa.

May naiisip ka ba? May gusto ka bang sabihin? Mag iwan ng comment!

Saturday, February 20, 2010

Good times! 99 Years of DLSU.

Nag simula ang araw ko ng kami ay pumunta sa ST Symposium. Dito ay pinapakita ang resulta o ang current status ng kanilang mga thesis. Sayang nga lang at isang track lang ng thesis ang aming nasaksihan, ang mga thesis na tungkol lamang sa Natural Language Processing (NLP).

Pagkatapos ay pumunta kami sa McDo para kumain. At nang matapos ay binisita ng sandali ang soccer field para tingnan ang fair. Isang nakakapanibagong tanawin ang bumungad sa amin. Ang aming school, ang De La Sallu University ay may arcades! May mga lumang arcades sa Central Plaza. Na hindi naman ganung nakakatuwa dahil luma na nga, 20 pesos per play pa! :| Ka-BV.

Nakakita din kami ng trampouline na hindi ko alam ang tawag, at nang kami ay naglakad lakad pa, naka agaw ng aming pansin ang mga inflatable playground (hindi ko alam kung ganun ang tawag dun) at sa maniwala kayo o hindi, may Ferris Wheel sa La Salle.

Nakatirik pa ang araw, mainit, kaya nag desisyon muna kami na pumuntang Gox para magpahinga at magpalipas ng oras.

Pabalik na sana kami ng tinuro ni Ian, "Uy! Wanted glasses daw." Lintek na Ian, nakita ako ng jail booth officer. At alam na ang nangyari. Dinala ako sa kanilang booth at kinulong. 20 minutes daw o mag bail nalang. Nag isip ako ng medyo matagal para masulit ng konti ang jail booth, at nag bail din ako. 30 pesos ang bayad ko para immune na ako at di na mahuli ulit. Kasi 10 pesos ang normal bail pero pwede ka pa mahuli. Pagkabail ay tumuloy na kami ng Gox.

Photobucket

Bumalik kami makalipas ng ilang oras. Sa mga oras na iyon, ay kaming dalawa lang ni Excel ang magkasama. Nag ikot ikot kami at nakita ang Pinoy Henyo booth. What the F! 30 pesos per play and you may win 300, times 10 your money. Isang magandang deal iyon, kaya sinabi ko kay Excel ay subukan namin mamaya maya pag medyo pagabi na.

Lumabas muna kami para mag CR. At pumunta ulit kami dun sa arcades sa Central Plaza. Doon ay nag text si Ian at hinahanap kami. Hinintay namin siya doon habang pinapanood sila Kuya Art maglaro ng Dance Dance Revolution. Hindi man halata sa kanya, pero ADIK! Ang galing niya sa DDR, 300 bpm kayang kaya niya! Sabay lang ng pag tapos ng pag laro nila Kuya Art ang pagdating ni Ian.

Photobucket

Papasok na ulit kami sa Soccer Field ng nakita namin ang trampouline. Gusto sana namin subukan, pero ang haba ng pila. Sayang. :(

Inaya namin si Ian, bumalik kami sa Pinoy Henyo booth at sinubukan na namin. Unang sumabak sa Pinoy Henyo sila Ian at Excel, ang salita? "F4". Sumunod naman kami ni Ian. Ang salita, "maliwanag". Ang hirap. :| Kami naman ni Excel, "Emo". At ng matapos ay napatawa namin ang mga nasa jail booth.

Photobucket

Excel: Sabi mo negative.
Jolo: Oo nga negative.
Excel: Emo? Negative? RACIST!
Ian: Ulul. Hindi race ang emo!

Bale nakagastos kami ng 90 pesos sa larong ito, tig-30 kami, at hindi kami nanalo. :(

Katabi lang ng Pinoy Henyo booth ang Marriage Booth at nakita namin na nahuli si Kye at Tom para magpakasal. Yey, nadamay pa tuloy kami at naging witnesses!

Photobucket

May banda na natutugtog sa stage kaya pumunta na kami. Di ko matandaan ang band name nila pero kumanta sila ng tatlong kanta na hindi ko alam. Matapos ay kumain kami ng merienda.

Bumili muna kami ng iced tea at namili ng pagkain. Nakita namin ang Tender Juicy stall at ang kanilang hotdog in a bun ay nagkakahalagang 45 pesos. Mahal daw kaya pumunta kami sa isang stall at nakakita TJ hotdog din in a bun na 40 pesos lang. Ede bumili na kami, nagbayad na. Kaso sabi ng nakakalokang tindera, iisa nalang pala ang TJ hotdog at nag offer siya ng Beer Sausage in a bun na may price na 50 pesos. At dahil tatlo kami at iisa lang ang TJ hotdog, ginamit namin ang concept ng maiba taya para malaman ang maswerte makakakuha ng TJ hotdog. Buti nalang ay maswerte ako nung araw na iyon at ako ang nanalo. Silang dalawa ang nag dagdag ng 10 pesos para sa beer sausage.

Nakabili na kami at kakain nalang ng naisip ni Ian...
"Sana pala dun nalang tayo sa Tender Juicy stall. Mas nakamura pa tayo! Good times."

Sayang! Beh, ako nakatipid!

Photobucket

Inubos namin ang aming mga merienda sa isang gilid ng soccer field. Habang kumakain kami ay tumutugtog na ang bandang Paramita. Nung kami ay lumapit, saka palang kami nagising sa katotohanan na ang ganda pala ng vocalist / drummer nila. Sayang at patapos na sila. :(

Photobucket

Sumunod namang tumugtog ang Imago! At alumni ng DLSU ang kanilang vocalist. Woooot! Ang ganda din ni Aia.

Photobucket

Kalagitnaan ng kasiyahan ay may tumawag kay Ian, ate niya, nag papasundo na. Tinapos niya muna ang Imago at siya ay aalis na. Papunta kami sa parking ng nakita namin ang Haunted Hall sa Mutien Marie. Sayang! Mahaba ang pila at di namin na experience.

Sumakay kami sa sasakyan ni Ian at nagpababa sa North gate, pumasok ulit kami at nag ikot ikot. Nanood kami ulit kami ng sandali at ng mapagod ay pumunta sa booth ng Catch2t12.

Ilang minuto ang nakalipas, ay nakuha namin ang karton na may nakasulat Free Hugs at Free Taste. Syempre, sinuot namin ni Excel at nag ikot ikot, na kay Excel ang Free Hugs at nasa akin naman ang Free Taste.

Photobucket Photobucket

Sa dami ng tao sa soccer field ay di syempre mawawala ang mga tumatawa sa amin dahil sa mga nakasabit sa aming leeg. At dahil din dun sa mga nakasabit sa aming leeg kaya nakayakap si Excel ng ilang mga tao at ako rin, nang mapunta sa akin ang Free Hugs.

Nasubukan ko rin namaposasan. Tinawag kasi ako ni Nicole, yun pala, bawal umapak sa inaapakan niya. Ayan tuloy, kaming dalawa ay naka posas.

Photobucket

Nang makawala ako sa posas, ay kumain na kami ni Excel.
Nang maubos ay uminom kami sa fountain dun sa Miguel Hall. Nakita ulit namin ang Haunted Hall wala ng pila, kaya lang wala na ring ticket. :( Bumalik nalang ulit kami sa booth ng Catch2t12.

Doon ay naabutan namin sila Wilma at Jen na kumakain. Sila ang pumalit sa amin dun sa pwesto namin kanina. Tumambay lang kami doon hanggang dumating ang Itchyworms.

Photobucket

"Ang gusto ko lamang sa buhay ay... Yakapin mo ako."

Yan ang una nilang kinanta. Sayang, hindi nila kinanta ang Showtime! At sayang din dahil tatlo lang ang kinanta nila. :(

Uuwi na sana ako ng dumating ang Urbandub, ang main event ng fair.

Sa Urbandub ko lang nakita yung talagang tumalon talon na ang mga tao. Rock on daw!

Photobucket

"Oooooooowooooo ooooooh! Woooooo oooooh!

First of Summer ang kanilang pangatlong kanta. At buong akala namin na iyon na ang huli. Wala na kami sa may stage ng kinanta pa nila ang Guillotine.

Nang matapos ang Urbandub ay kinanta naman namin ang Alma Mater.

Palabas na kami, ilang hakbang nalang ay SJ Walk na...

"Never shall we fail..."

Nang biglang may pumutok!

"Hail to De La Salle!"

May fireworks sa taas namin. Saktong sakto, nasa ilalim lang kami ng fireworks.

"Hail! Hail! Hail!"

Photobucket

At habang pumuputok ang mga iyon ay nararamdaman ko ang aming tuition na nasusunog. Nakakatuwa isipin na ilan sa mga tuition namin ay napunta dun sa maganda, magarbo at makulay na fireworks. Pero okay lang, nakakatuwa naman at talagang may fireworks pa.

Isang magandang ending sa isang napakasayang fair. 99 Years na ang DLSU!

Next year will be 100 years! And next year will be our year of graduation!

At oo nga pala!
February 21, 2010! Happy Birthday Shiela!

Wednesday, February 17, 2010

24-hour programming challenge, Imagine Cup, ACM-ICPC

Di kami nakasali sa IUPC-CompSat, at bitter ako dun. :|
Di kami nakaregister sa Java Cup. At bitter din ako dun. :|

Pero I'm still looking forward to three other contests. And to compare these three to the previous two, walang wala sila. IUPC-CompSat and Java Cup are both local contest, parang only in the Philippines. Kapag nanalo ka, you got the price, the trophy, the bragging rights and it ends there.

But 24-hour programming challenge, Imagine Cup and ACM-ICPC are worldwide, meaning... less chances of winning. Even though, being in those three contest and representing your country is such a nice feeling.

24-hour programming challenge electronic contest is on February 27, and if we can join, we will program 5 hour straight with a set of problems. At kapag nakapasok kami, sana nga, sa finals at kung kami ang mapipili na ipadala, sana ulit, ay magkakaroon kami ng pagkakataon na makapunta sa Hungary at dalhin ang bandila ng ating bansa. If you think that 5 hour straight programming is too long enough, just wait till finals, where you will program 24 hours. Yes, 24 hours. That's why they call the contest 24-hour programming challenge.

Matatapos naman ang 1st round ng Imagine Cup sa March 15. At dahil magaling kami, puro plano palang ang nagagawa namin. Pero kaya namin ito. Malakas ang aking pakiramdam na kaya namin tapusin 'till March 15. Bakit? Ang isa sa mga nanalo last year ay tatlong araw lang ginawa ang kanyang program. Dito ay sumali kami sa Game Design category at kailangan ang aming gagawing laro ay kayang makapagligtas ng mundo. Mahirap? Hindi naman. Basta mag isip lang ng mabuti. Malakas din ang aking pakiramdam na may chance kami makapasok. Dahil pagkami ay nag sama sama, kami ay IMBA.

Ooooooy! ACM-ICPC. Ang contest kung saan kami nag simula. Nakakaadik pala sumali sa mga contest. Isang beses palang namin nagawa ay hinahanap hanap na namin. Di kami pinalad na manalo dati kasi ay natuyo ang utak namin. As in di na kami makapag isip. At ngayong taon, panibagong ACM-ICPC ulit ang sana ay aming masalihan. Dito sa contest na ito kami may pinakamalaking chance manalo.

Okay diba? Nakakapagod ang mga contest na ito, pero okay lang. Sayang eh, PANGDAGDAG RESUME DIN ITO! Yey.

Friday, February 12, 2010

Ang love, parang kamatayan lang.

Dahil malapit na ang Valentines, ang post ko ngayon ay about love.

Kanina, naisip ko bigla ang isang tanong ng aking kaibigan,
"Jolo, bakit ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend?"
At naalala ko, ang sagot ko noon ay hindi pa ako handa.

Tapos, bigla ko naisip ngayon na ang love pala ay parang kamatayan lang.

Bakit?
Dahil ang love dumarating yan sa hindi mo inaasahang panahon. Kahit ayaw mo, ay mangyayari at mangyayari din yan. Parang kamatayan lang diba? Kapag oras mo na, oras mo na. Wala ka ng magagawa dahil talagang ganyan ang buhay.

And if that is, so maybe LOVE is the opposite of DEATH.

Death brings sadness. Love gives you happiness.

Wednesday, February 10, 2010

Java Alarm Clock

I made a command line alarm clock for Java dahil lang hindi ako matulog. I did it last Christmas break and not post it immediately because I said that I will do further improvements on the program.

Kanina, I attempted to add some GUI through NetBeans. But unfortunately, my another try to learn NetBeans failed.

So, I code it again in my most reliable partner, Notepad++! It was going smooth and okay, until I realized that my code is wrong. It is a loop that will wait for the alarm time for it to stop. During the loop, no user interface can be interacted thus no means to stop the program.

Kaya wala rin, hindi ko rin nagawan ng GUI ang program. Kaya ito, ipost ko nalang ang isang screenshot ng aking Java Alarm Clock.

Photobucket

Ganun lang siya, military time pa nga dahil nakakatamad na ayusin ang algorithm. It is just a simple alarm clock that plays Fireflies of the Owl City as its alarm tone.

Monday, February 8, 2010

Blog promote!

I just want to promote my friend's blog...

READ READ READ!

Valentines Day is near. So what?

Valentines day is on Sunday, so what? It is just a day for couples to have a not so ordinary date. It is such a day that couples are waiting for. At eto rin ang araw kung saan ipinamumukha sa mga single na wala silang partner.

May isa akong kwento, isang kabutihan kong nagawa kanina, or let us say that it is a favor that asked to me. A girl, have a special gift to his boyfriend. That girl is not close to me, and I think, we did not talk with sense. But she texted me and asked me a favor. Pumayag naman ako sa favor na yun dahil kaibigan ko ang boyfriend niya. We met in a place and she gave me the gift. At sabi niya, sabihin ko daw sa boyfriend niya na "Wag kang iiyak ah!"

Me and my friend Excel managed to hide it from our friend, his boyfriend na kasabay namin mag lunch. In our computer laboratory, I give the gift to him and he was so surprised. Hindi niya ineexpect na sa kanya pala ang gift na yun. At ang luha niya ay namumuo na sa kanyang mga mata at gusto ng tumulo at kumawala.

Even though I do not have a partner on Valentines day, I know that I made someone happy in a week before Valentines.

After this, I realized that Valentines is not just for love and its meaning, it is not just for couples to date with each other, it is not for single to be aware that they are single...

But it is for everyone to make someone happy.
It is for someone to know that they exists and that somebody is there to give her love and happiness.

Thursday, February 4, 2010

Gibo has the longest name ever!

Gibo is sooooo IMBA!
Based on his site,

  1. He is a bar top notcher.
  2. He has a Doctor of Laws degree.
  3. He is a commercial pilot.
  4. He holds a rank as colonel in the Philippine Air Force Reserve Force.

With his credentials above and at only 45 years old, I can say that he is a good / smart person.

And if he became the President of our country...
He can have a name of...

President Colonel Attorney Doctor Pilot Gilbert Cojuangco Teodoro Jr.

Phew! So long! :D

Monday, February 1, 2010

Deadlocks. It's not just a problem among computers, but also in life.

Deadlocks. If you will first here it, you may think that it is about the hair. No! It's not deadlocks. It's dreadlocks! Big difference.

Deadlocks, according to Wikipedia.org, is a situation wherein two or more competing actions are waiting to finish, and thus neither ever does. It is a common problem in computers but for me, I just think deadlocks can be one of the problem of life.

Why? To state an example, just like our prof gave to us, two cars got into a single way road, both do not want to go back, and so they will eventually get stuck.

With that example, I can see two things. Sacrificing, and selfishness.

I somewhat believe that "man is naturally selfish." And because of its nature, in the example above, no one will ever give way for the other. So how can they get out on the road. You just need to sacrifice. Such a simple word, so easy to say, but a very hard to do.

Sacrificing involves the act of losing something. But who wants to lose something? I think, no one.

With no one wants to lose a thing, sacrifice will not occur, selfishness will take place, and deadlocks will happen. It is a sad thing about life that even happens in a computer that is not even a living thing.

Yes, even computers, processes and algorithms can be compared to life. And they will experience problems just like with life. Nobody is perfect, so even them.