Na magkaroon ng isang madaling tanong, ngunit mayroong mahirap na sagot.
Isipin niyo. Naisip niyo na ba na may ganun pala? O dahil sa akin lang, kaya niyo naisip na may ganun pala.
Kahit ano pa man, tama ang nabasa niyo. Madali ang tanong. Mahirap na sagot. Pero teka muna, hindi ba kapag madali ang tanong ay madali na rin itong sagutan?
Paano mo ba masasabing madali ang tanong?
Ako, nasasabi kong madali ang tanong kapag nabasa ko ito at alam ko na ang sagot. O kaya naman konting isip lang ay alam ko na agad. Hindi ba ang dali nga naman ng tanong kapag ganun?
Pero kanina, sa aming subject na INTFILO. Na kung iisipin niyo parang ginawa ko kagabi, ay parang Introduction to Filipino lang kung pahabain. Pero hindi.
Ito ay Introductory Philosophy. Pero bakit FILO? Filosophy?
Kanina... May mga pinasagutang mga tanong na kung masagutan mo lahat ay pwede ka ng hindi pumasok. Pasado ka na, perfect pa. Auto kwatro sa first day of class.
Madali? Oo.
Mahirap? Oo.
Madaling tanong. Mahirap na sagot.
At dahil nauuso naman ang SAMPLE dahil sa Showtime, magbibigay ako ng konting tanong.
All students are smart. Are there students?
Ang dali ng tanong diba? Sinabi na nga na ang lahat ng studyante ay matalino. Tapos tinanong kung mayroong studyante. So pag kabasa mo palang, alam mo na agad ang sagot. Madali nga ang tanong diba?
Pero, may studyante nga ba? Sinabi bang meron?
Isa pa...
There is no lion in this room. So where is the lion?
Nasa zoo naman diba? O kaya naman nasa safari. Pwede rin naman sa forest. Diba diba?
Pero naisip niyo ba kung may lion nga ba talaga? O inisip niyo lang na meron dahil sinabi ko ito sa inyo?
Minsan may mga pagkakataon na ang dali dali ng isang tanong na kayang kaya mo itong sagutin kahit nakapikit, natutulog, o may kausap ka. Pero minsan din, ang mga madadaling tanong ay hindi laging madali ang sagot. Hindi rin naman lahat ng madaling gawin ay madaling tapusin.
Tatanungin ko ulit kayo ngayon...
Ang hirap nitong tanong ko diba?
Nasagutan niyo? Ede madali!
Weirdo man, pero kung iisipin ay may sense din. Hindi lahat ng walang kwenta ay walang saysay.
No comments:
Post a Comment